<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jan 12, 2011

Koreana January 12 to 14 Highlights

January 12 (Wednesday)

Affected si Jenna na aalis na si Benjo papuntang States.

Patuloy si Sandra sa pagmamagandang-loob kay Nerissa. Tinatrato niya itong parang prinsesa at panay ang pambobola. Tatawag ito kay Violeta para magreklamo na pagot na ito sa pagbabait-baitan.

Magaganap ang tradisyon ng “bigayan” sa pagitan ng mga kaibigan at kapamilya nina Jenna at Joshua. Masayang-masaya naman sina Chang Hee at Josefina, subalit malungkot pa rin si Jenna.

Malalaman ni Jenna mula kay Amy ang nangyaring pasabog sa restaurant ni Benjo. Sobrang pag-aalala ni Jenna kay Benjo, Josefina tells her hindi ganito dapat dahil engagement party na nga nina Jenna and Joshua.

Last minute na nag-check si Joshua kay Jenna and tells her how much he loves her, hanggang sa pag-alis ni Joshua ay naguguluhan pa rin si Jenna.

Benjo finally has decided not to leave anymore and he tells Darlene na hindi na sila ni Bebeng pupuntang Amerika, very happy si Darlene.

Sa engagement party, hindi na magawa ni Jenna ang hindi gusto ng kanyang puso so iniwan niya si Joshua sa gitna ng kasiyahan.


January 13 (Thursday)

Hindi na bumalik sa engagement party si Jenna, Josefina is with her, ito ang iniyakan niya sa balikat and Josefina understands the feeling of Jenna.

Hiyang-hiya si Chang Hee kay Joshua at sa pamilya nito. Galit ang pamilya ni Joshua.

Excited si Nerissa when Sandra tells her na pupunta silang Maynila dahil may info na ang isang pulis kung nasaan ang kanyang anak sa Maynila.

Nagulat si Benjo because the doctor tells him na kapag hindi pala naagapan ay baka maputulan ng paa si Darlene.

Jenna visits Bebeng in the hospital at nalaman niya na si Darlene pala ang nagligtas kay Bebeng and the kid even considers Darlene as her guardian angel, nagulat si Jenna.

Nasa Maynila na sina Nerissa and Sandra, impressed si Nerissa sa inaakalang condo ni Sandra.

Nalaman na ni Benjo from Mr. Shim na hindi natuloy ang engagement party nina Jenna and Joshua and that nag-back out sa engagement si Jenna.

Nadatnan ni Benjo si Jenna, visiting Bebeng in the hospital.

Joshua confesses to Chang Hee na kahit ipinahiya siya ni Jenna sa engagement party, ito pa rin ang gusto niyang pakasalan.

Chang Hee promises Joshua na kakausapin si Jenna, na hindi siya papayag na hindi matutuloy ang kasal at magkakasira ang kanilang mga pamilya.

Iiwas sana si Benjo kay Jenna pero hinabol siya ni Jenna, gusto raw siyang makausap.


January 14 (Friday)

Dahil dineklara na ni Benjo kung gaano kahalaga sa kanya si Darlene, Jenna can’t tell him kung gaano naman kahalaga sa kanya si Benjo.

Nakikita ni Jenna ang sobrang pagpapahalaga ni Benjo kay Darlene bago ito ipasok sa operating room.

Dinner time sa mansiyon ni Chang Hee, Chang Hee can’t touch his food dahil sa galit kay Jenna. Ipinamukha ni Ivy kay Jenna na ito lang pala ang sisira sa lahat na pinaghirapan ni Chang Hee.

Chang Hee tells Jenna na mapapatawad lamang ito kung babalik ito kay Joshua.

Pinaninindigan pa rin ni Jenna na hindi siya maaring bumalik kay Joshua because she loves somebody else and that it is unfair for him kung sila ni Joshua pero iba naman ang mahal niya.

Nagkita sina Chang Hee at Benjo, Benjo says sorry to Chang Hee sa mga pambabastos, sa pakikipagkumpitensya directly at sa pamimirata ng mga tauhan.

Nagkalakas-loob si Jenna na sabihin kay Benjo na gusto niyang bigyan pa siya ni Benjo ng chance sa kanilang pag-ibig.

But Benjo says hindi na puwede dahil mahal na niya si Darlene.

POST