<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jan 24, 2011

Beauty Queen Highlights – January 17 to 21

Monday (January 17)

Naipit nga si Maita at napilitan siyang panindigan na ipakilala si Dante bilang kanyang nobyo sa harap ni Marc. Ikinalungkot ito ni Marc at wala ng magagawa matapos ang pagtatapat na ito. Hurting din si Maita pero paninindigan niya ang desisyong ito. Si Dante naman ay masaya sa nangyari, ngayong wala na si Maita at Marc ay sasamantalahin niya ang chance na ito para maging kapalit ni Marc sa puso ni Maita.

Maiisip ni Marc na baka nga palabas lang ang lahat kaya muli siyang babalik kay Maita. Hindi na siya haharapin ni Maita. Lalong babagsak ang mundo ni Marc matapos niyang mabalitaan na masaya sila Dante at Maita sa isa’t isa. Isang kasinungalingang paninindigan ni Maita kahit masakit para sa kanya. Hihingi naman si Dante kay Yuri ng pera. Magsisinungaling si Dante kay Yuri na gagamitin ito sa pagsali niya sa Man of Manila .

Gulat si Maita sa bagong bihis at bagong kotse ni Dante. Aayain siya ni Dante na lumabas at hindi na rin makakaangal si Maita at sasama kay Dante upang makipag-date. Dahil na din sa kabiguan ay ibabaling na ng tuluyan ni Marc kay Dorcas ang kanyang atensyon. Yayayain niya din itong lumabas at makipagdate. Walang kamalay-malay ang apat na nasa iisang restaurant lamang sila nagpunta. Hanggang sa laking gulat ni Maita matapos silang muling magkita ni Marc!

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay pagtatagpu-tagpuin ng tadhana ang apat sa iisang restaurant. Papanindigan ni Dante at Maita ang kanilang pagkukunwari. Selos naman si Marc sa kanila. Hindi naman magiging maganda ang pagkikita nila Marc at Dante. Magkakasukatan sila at matatapos ang gabi bago pa man sumabog ang away ng dalawang lalaki ni Maita.




Tuesday (January 18)

Marc finally decides to move on. Paniwalang paniwala siya sa pagkukunwari nila Maita at Dante kayat iisipin niya na tigilan na si Maita at maging masaya na lamang kay Dorcas.

Samantala, malulutas na din ang kaso ni Dorcas. Bagaman natapos na ang kaso ay masama pa rin ang loob ni Virgilio sa katotohanang hindi niya naiganti ang anak sa sumalbahe dito. Virgilio finds comfort kay Maita. Lalo namang mag-guilty si Virgilio at tila sasabihin na kay Maita ang katotohanan tungkol sa tunay niyang ama!

Finals night na ng pageant na sinalihan ni Dante, ang MAN OF MANILA . Mananalo si Dante kaya tuwang tuwa din si Yuri. Aayain niya itong magcelebrate sa isang private condo pero para sa iba iaalay ni Dante ang kanyang panalo.

Maghihintay si Yuri saw ala dahil hindi siya sisiputin ni Dante sa usapan nila. Hindi makapapayag si Yuri sa katotohanang kanyang malalaman, na ipinagpalit siya ni Dante sa ibang babae.

Magdiriwang si Dante kasama si Maita at lakas loob na ipapahayag ni Dante ang pasasalamat sa babaeng inspirasyon ng kanyang pagkapanalo. Mauuwi sa isang aksidenteng halikan si Dante at Maita, pero nananatili pa din si Marc sa isip ni Maita.


Wednesday (January 19)

Hindi na kakayanin ni Dante ang muling pagkabigo niya kay Mita. Ibubuntong na lang niya ang sisi sa pagmamahal ni Maita kay Marc na hanggang ngayon ay hindi pa nabubura sa kanilang dalawa.Maging si Marc ay si Maita pa din ang nasa isip habang katabi si Dorcas. Imbes na ayusin ni Maita ang gusot nila ni Dante ay tuluyan pa silang mag-aaway matapos niyang marinig na ipinagyayabang ni Dante ang kanilang relasyon. Ipapaalala ni Maita kay Dante na nagkukunwari lang sila at lilinawin ni Maita kay Dante na kahit kailan ay hindi naging sila.

Isang matinding away naman ang magaganap sa pagitan nila Amparo at Anya. Pagbibintangan ni Amparo si Anya na nagnanakaw ng pera para sa kanyang lalaki. Dadamdamin ito ni Anya at tuluyan ng aalis. Magkakabati na nga ding muli si Maita at si Dante. Dadalhin ni Dante si Maita sa condo na pinahiram ni yuri sa kanya. Sasabihin na sana ni Dante ang katotohanan kay Maita pero mauunahan sila sa pagdating ng dahilan ng lahat ng kayamanan ni Dante ngayon, si Madamme Yuri!

Samantala matutuklasan ni Amparo na mali ang bintang niya kay Anya. Sa kanyang panghihinyang ay darating si Virgilio. Hindi sinasadyang matatapunan ni Amparo ng sabaw si Virgilio at sasambulat sa kanya ang isang matagal ng sikreto. Makikilala ni Amparo ang tatoo ni Virgilio na kapareho ng tatoo ng lalaking gumahasa sa kanya!



Thursday (January 20)

Matapos ang maraming taon ay makikilala na ni Amparo ang lalaking nanggahasa sa kanya. Matapos niyang makita ang tatu sa dibdib ni Virgilio babalik ang nakaraan at makasisiguro siya na si Virgilio ang nanghayup sa kanya!

Hindi na rin nga naiwasan ni Dante na sumabog ang katotohanan. Magkikita si Yuri at Maita sa condo. Malalaman ni Maita ang lihim na relsyon ni Dante at Yuri!

Hindi matatanggap ni Maita ang paglilihim sa kanya ni Dante. Higit sa lahat ay mapapalitan ng galit ang pagmamahal ni Yuri kay Dante dahil sa ginawa nito. Lalo pang mapapasama si Dante sa pagdating ni Marc sa condo. Makakatikim si Dante kay Marc matapos malaman ang ginawa nito sa kanyang ina.

Lalong naging kumplikado ang lahat para kay Maita ngayong nalaman niya ang salasalabat na problemang kinasangkutan ng mga taong malapit sa kanya. Manghihinayang siya sa pagkawala ni Marc at ngayon naman ay ni Dante, pero isang tao ang magbabalik sa mga oras ng paghihirap ni Maita... si Donald.

Sa pag-uwi ni Maita sa bahay ay isang sulat na lang ang mababasa niya galing kay Anya sa pagpapaalam nito. Maaabutan niya ang ina na muling naglasing. Ipapaalam ni Amparo kay Maita na nakilala na niya sa wakas ang taong gumahasa sa kanya. Si Virgilio Rivas!



Friday (January 21)

Hindi agad makapaniwala si Maita sa nalaman. Susuportahan pa rin ni Maita ang ina sa pagnanais niyang pagbayarin si Virgilio sa kasalanan nito. Matapos isauli ni Dante ang condo at kotse ni Yuri ay tatapusin na din niya ang relasyon nila ni Yuri. Hihingi siya kay Maita ng tawad at muling magmamakaawa na mahalin siya nito subalit kahit sa huling pagkakataon ay hindi tatanggapin ni Maita ang pagmamahal ni Dante.

Maiisipan ni Virgilio na takasan ang problemang nakaambang sumira sa kanya at sa pamilya niya. Agad namang kikilos si Amparo at wala siyang palalagpasing panahon. Pupuntahan niya sa bahay si Virgilio at paaaminin ito sa kasalanan!

Ipagtatanggol ni Leavida ang asawa sa pagbibintang ni Amparo. Amparo threatens them to file a case against Virgilio. Muli na namang magsasabong ang dating magkaribal na sila Amparo at Leavida. Aaminin na rin sa wakas ni Virgilio kay Leavida ang katotohanan. Hindi matanggap ni leavida na nagtaksil sa kanya si Virgilio lalo na ng mapagtanto niya na si Virgilio ang tunay na ama ni Maita San Miguel!

Sa pagpunta ni Maita sa bahay ng mga Rivas ay kukumprontahin niya si Virgilio. Nais niyang marinig mula kay Virgilio ang katotohanan na siya ang ama nito. Dahil napagkasunduan nila Virgilio at Leavida na itago ang katotohanan ay papasinungalingan ni Virgilio ang paratang ni Amparo! Hindi niya aaminin ang katotohanan kay Maita!

POST