<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Jan 31, 2011

Beauty Queen Finale Week Highlights (January 31- February 4)

Monday (January 31)

Hindi naman papayag ang mag-inang Leavida at Dorcas na matalo nang ganun na lamang kaya’t isusumpa nila ang isang malupit na paghihiganti laban kina Maita at Amparo. In their desperation, ay ipapapatay nila Dorcas at Leavida sila Maita at Amparo.
Samantala, nagsimula na ang paghahanap ni Yuri ng mga kandidata sa nalalapit na Bb. Isla PIlipinas. Tila nahihirapan si Yuri na mamili ng kandidata ngayong taon pero isang ideya ang papasok sa kanyang isipan. Tila bukas si Yuri na makipagbati kay Maita at pasalihin siya sa Bb. Isla PIlipinas.

Mapagtatanto ni Maita ang kinahinatnan ng pagkakaibigan nila ni Dante. Ayaw niyang masira ang matagal nilang pagkakaibigan kaya’t siya mismo ang lalapit kay Dante at makikipagayos dito. Masaya si Dante sa muli nilang pagkakabati ni Maita subalit isang panibagong panganib ang haharapin nila.

Bago pa man maisagawa ng hired killer ang pagpaslang kay Maita ay ihaharang ni Dante ang kanyang sarili at ililigtas ang buhay ng kaibigan!


Tuesday (February 1)
Matapos magkabati ng magkaibigang Dante at Maita ay nailigtas nga ni Dante si Maita sa kapahamakan. Kapalit nito ang buhay ni Dante.

Habang abala sa pag-aasikaso sa nalalapit na Bb. Isla Pilipinas ay matatanggap ni Yuri ang pagkamatay ni Dante. Hindi siya makapaniwala sa biglaang pagkawala nito. Tuluyan na ngang nagpaalam sila Maita sa mahal niyang kaibigan. Utang ni Maita ang buhay sa kanyang kaibigan matapos patunayan ni Dante ang kanyang pagmamahal hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay.

Bigo naman sila Leavida at Dorcas matapos malaman ang balita na hindi nagtagumpay ang planong pagpatay kay Maita.

Hindi makapaniwala si Maita na walang dahilan ang tangkang pagpatay sa kanya. Isa lamang ang iniisip niyang may posibleng motibo para gawin ito sa kanya. Buong tapang na susugurin ni Maita si Dorcas at Leavida upang mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kaibigan!


Wednesday (February 2)

Walang matibay na proweba si Maita upang patunayan na may kinalaman sila Leavida at Dorcas sa tangkang pagpatay sa kanya. Madaling maitatanggi ng mag-inang Rivas ang bintang na ito. Gayunpaman hindi agad sumuko si Maita sa kanyang paniniwala, isang bisita ang hindi inaasahang dumalaw kay Maita... si Donald.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago ang matinding pagtingin ni Donald kay Maita. Ipagpipilitian ni Donald ang sarili kay Maita subalit itataboy niya ito. Lalo pang makakatikim si Donald sa pagdating ni Marc upang ilayo si Maita sa kanya.

Simula na ng paghahanap ni Yuri ng mga magagandang babae na siyang nararapat sa korona ng Bb. Isla PIlipinas. Hindi magdadalawang isip si Yuri na pakiusapan si Maita na sumali sa kanyang pageant. Hindi na rin nakatanggi si Maita sa pagmamakaawa ni Yuri sa kanya kaya papayag na rin si Maita na sumali sa Bb. Isla Pilipinas.

Pinakilala na nga sa buong Pilipinas ang mga babaeng maglalaban sa korona ng pinakaprestihiyosong patimpalak, ang Bb. Isla PIlipinas. Malakas ang laban ni Maita na manalo at maiuwi ang korona subalit laking gulat niya matapos ipakilala ang huling kalahok na sasali ... si Dorcas Rivas!


Thursday (February 3)

Nagsimula na nga ang sabong ng magkapatid sa ama na sila Maita at Dorcas para sa korona ng Bb. Isla PIlipinas. HIndi uurungan ni Maita ang laban na sinimulan ni Dorcas. Buong tapang niyang haharapin ang mga intriga ng katatapos lang ng mga rebelasyon sa kanyang buhay.

Dahil sa Bb. Isla Pilipinas ay lalong lumapit ang mundo nila Marc at Maita kay Dorcas. Patuloy na gumagawa si Dorcas ng paraan para maangkin si Marc pero mas lalo namang nilalayo ni Marc ang sarili niya kay Dorcas. Dahil dito ay tuloy pa rin ang banta ng panganib nila Dorcas at Leavida laban kay Maita!

Gabi na ng koronasyon. Mainit ang labanan lalo na sa pagitan nila Maita at Dorcas na parehong handang manalo laban sa isa't isa. Parehong makakapasok sa semi finals ang dalawa at parehong maganda ang sagot nila Maita at Dorcas sa question and answer part ng pageant.

Pigil hininga ang lahat ngayong sasabihin na ang pangalan ng babaeng tatanghalin bilang Bb. Isla Pilipinas... Si Dorcas ba o si Maita?


Friday (February 4)
Tatanghaling Bb. Isla Pilipinas si Maita San Miguel. Natalo nga ni Maita ang kapatid nitong si Dorcas pero hindi niya doon tinapos ang laban. May itinanim na bomba sa scepter ng nanalong Bb. Isla Pilipinas. Malalagay sa panganib si Maita pero ililigtas siya ni Donald!

Matapos ang pagsabog ay magkakaroon ng tiyempo si Dorcas na kunin si Maita at patayin ito sa sarili niyang mga kamay. Bago pa man maisakatuparan ni Dorcas ang balak ay darating si Marc upang pigilan siya. Si Marc ang mababaril ni Dorcas babagsak siya ng duguan!

Wala na sa tamang pag-iisip si Dorcas at hawak niya sa kanyang mga kamay ang buhay ni Maita.

Nakamit man ni Maita ang pinakaaasam na pangarap sa buhay ay sa isang trahedya magtatapos ang lahat.

Magawa pa kaya nila Maita at Marc na ipagpatuloy ang kanilang pag-iibigan?

POST