<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 25, 2010

GRAZILDA Week 16 highlights (DECEMBER 27 - DECEMBER 31)

DAY 1- –
• Muntik nang mamatay si Kasmir pero tutulungan siya ni Fabiola.
• Gagamitin ni Fabiola ang sama ng loob ni Kasmir para lalo itong magalit kay Grazilda.
• Papasok na sana ng lagusan sina Matilda at Fairy Godmother pabalik ng Fantasya pero malalaman nila na nagkakagulo na naman dahil kay Fabiola.
• Bibigyan ni Fabiola ng powers si Kasmir!
• Susugurin ni Kasmir sina Grazilda at Eric. Titilapon si Eric at mawawalan ng malay!
• Paano na ngayon si Grazilda?! Makaligtas pa rin kaya siya?!

GRAZILDA Week 15 highlights - Dec 20 to 24

DAY 2 –
• Ililigtas ni Eric si Grazilda sa mga kamay nina Fabiola at Kasmir. Lalong magagalit si Kasmir, titirahin niya ng ice si Eric. Magically ay unti-unting nagiging yelo si Eric.
• Uutusan ni Fabiola na gawin na ring yelo ni Kasmir si Grazilda.
• Pero hindi iyon maitutuloy ni Kasmir!
• Sa halip, magbibigay ng kondisyon si kasmir. Ibabalik niya sa dating anyo si Eric pero sasama daw siya kay Kasmir. Torn si Grazilda.
• Walang magawa ang kapangyarihan ni Fairy Godmother. Unti-unti pa ring natutunaw si Eric.
• At kapag tuluyan ng natunaw si Eric, tuluyan na rin siyang maglalaho.
• Isang desisyon ang mabubuo kay Grazilda. Papayag na siya sa gusto ni Kasmir, mailigtas lang ang lalaking minamahal.
DAY 3 –
• Makikipagharap na nga si Grazilda kay Kasmir. Payag na siya sa kondisyon nito. Tuwa si kasmir.
• Lalapit si Kasmir kay Fabiola para humingi ng dagdag na kapangyarihan pero tatanggi si Fabiola.
• Makikita ni Fernando na hindi iniinom ni Verrone ang resetang gamot. Magsisimulang magduda si Fernando.
• Maiisip naman ni Fabiola na mas mabuti kung magkakatuluyan sina Kasmir at Grazilda. Mas mapapalapit sa kanya ang babaeng gusto niyang patayin – kaya bibigyan na niya ng kapangyarihan si Kasmir.
• Matutunaw na ang paa ng yelong si Eric. Panic si Grazilda – pero noon darating si Kasmir. May bago na itong kapangyarihan. Gilalas sina Fairy Godmother at Grazilda.
DAY4 –
• Aalisin na nga ni Kasmir ang Yelo sa katawan ni Eric. Ibabalik na niya ito sa dating anyo.
• Tuwa si Grazilda. Pero hindi matutuwa si Eric ng makita niyang naroon si kasmir.
• Sasabihin ni Grazilda na si Kasmir ang nagbalik kay Eric. Pero sasabihin ni Eric na tama lang yon dahil si Kasmir din naman ang gumawa noon sa kanya.
• Muling magkainitan sina Kasmir at Eric. Magsusuntukan.
• Pero walang laban si Eric sa lakas ngayon ni Kasmirt. Buti na lang at darating si Fairy Godmother. Makakatakas sina Eric at Grazilda.
• Pero mahahabol pa rin sila ni Kasmir.
• Mapapahamak na sana sina Grazilda at Eric sa kamay ni Kasmir ng biglang may sasaksak sa likod ni Kasmir – walang iba kundi si Matilda!
• Mamamatay si Kasmir!
• Malalaman na rin ni Fernando mula sa doctor na nagkukunwari lang na may sakit si Verrone!
DAY 5 –
• Makakarating na kay Fabiola ang bangkay ni Kasmir!
• Galit na galit si Fabiola – lalo na ng malaman niyang ang ina ni Grazilda ang pumaslang sa kapatid.
• Sisitahin ni Fernando si Verrone. Aamin naman si Verrone sa ginawang pagkukunwari. Tuluyan ng lalayasan ni Fernando sina Verrone at Cyndi.
• Mahahanap na ni Fabiola si Grazilda – buti na lang at sa panaginip lang pala ito ni Grazilda.
• Babalik na si Fernando kina matilda at Grazilda. Tuwa si Grazilda. Si Eric na lang ang inaalala niya.
• Pero natagpuan na pala ni Fabiola si Eric. Bibihagin niya ito!
GRAZILDA Week 15 highlights - Dec 20 to 24

POST