<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 11, 2010

GRAZILDA Week 14 highlights (December 13- 17)

DAY 1

· Nalaman na ni Fernando na anak niya si Grazilda. Sising-sisi siya sa mga nagawa niya kay Garzilda! Itatakas ni Fernando si Matilda! Galit na galit si Verrone!

· Tatakas din si Grazilda pero papaluin siya ng kahoy ni Cyndi. Akmang tutuluyan na ni Cyndi si Grazilda pero gagamitin ni fairy Godmother ang natitira niyang lakas. Maglalaho sila sa harap ni Cyndi!

· Dahil sa paggamit ng kapangyarihan ay lalo ng manghihina si fairy Godmother! At lalo namang lumalakas si Fabiola!

· Magkakaayos na sina Fernando at Matilda. Magkakalinawan na sila sa tunay na nangyari noon. Pero matutunton sila ni Toto(Mike Magat)!

· Magkakasama ng muli sina Matilda at Grazilda!

· Malalaman na rin ni Grazilda na si Fernando ang tunay niyang ama!

Grazilda Week 13 Highlights


DAY 2

· Masayang-masaya si Grazilda! Buo na ang pamilya niya! Kasama niya pa si Eric!

· Alang-alang kay Grazilda ay tutulungan ni Eric na makalaya si kasmir sa kulungan. Pero sasabihin ni Eric kay Kasmir na huwag na itong makialam sa kanila ni Grazilda!

· Ipapahiya ni Verrone sina Fernando, Grazilda at Matilda sa isang restaurant. Sasabihin ni Verrone na kabit at bastarda sina Matilda at Grazilda!

· Tutuloy sina Fernando, Matilda at Grazilda sa kaibigan ni Fernando na si – Nick(Toby Alejar). Wala silang kaalam-alam nakausap na ni Verrone si Nick.

· Makikita ni Fernando sa phone ni Nick na tumatawag si Verrone! Agad silang aalis pero parating na si Verrone!

· Susumbatan ni Cyndi si Fernando!

· Papipiliin ni verrone si Fernando! Pero si Matilda ang pipiliin niya. Lalo ng magagalit si Verrone!

DAY 3

· Sa galit ni Verrone ay tututukan niya ng baril si Matilda!

· Hindi naman papayag si Grazilda, ililigtas niya ang ina!

· Magpapatawag ng press si Verrone! Palababasin niyang kinidnap ni Grazilda si Fernando! At may nakahandang reward sa sinumang makakapagturo at makakahuli kay Grazilda!

· Magiging wanted si Grazilda! Tutugisin siya ng mga pulis!

· Sasabihin ni Grazilda kay Eric na huwag muna silang magkita para sa kaligtasan nito. Hirap na hirap ang loob ng dalawa.

· Isang batang nawawala ang tutulungan ni Grazilda. Hindi niya alam na ang pagtulong niya ang magpapahamak sa kanya!

· Mahuhuli ni Toto si Grazilda. Isasakay niya ito sa sako! Maririnig nina Fernando at Verrone ang paghingi ng tulong ni Grazilda. Pero huli na, isasakay na sa sasakyan ang sako kung saan nakasilid si Grazilda!

DAY 4

· Ibabalita nina Matilda kay Eric na nakidnap si Garzilda. Alalang-alala si Eric. pati na rin si Kasmir!

· Takot na takot si Grazilda. Pakakawalan siya sa sako. Laking gulat niya kung sino ang nagpadampot sa kanya – walang iba kundi si Verrone!

· Haharapin ni Fernando si Verrone pero hindi aamin si Verrone!

· Itotorture nina Verrone at Cyndi si Grazilda!

· Magrereport sina Fernando sa pulis. Lalong magagalit si Verrone!

· Pagbabalakan na ni Verrone na patayin si Grazilda. Iilaw ang kwintas ni Grazilda pero maaagaw yun ni Verrone!

· Paliligiran na ng mga pulis si Verrone. Akala ng lahat ay isusuko na ni Verrone si Grazilda!

· Pero paglabas ni Grazilda, may nakakakabit na bomba sa katawan nito! Windang ang lahat!

DAY 5

· Makikiusap si Fernando sa mga pulis na huwag magpapaputok!

· Luluhod din si matilda sa harap ni verrone. Makikiusap na huwag saktan ang anak.

· Matatangay pa rin ni Verrone si Grazilda!

· Itatali nina Verronesi Grazilda sa mtaas na lugar! Walang makalapit na mga pulis lalo na at may mga goons ding kasama si Verrone! Nakikipagpalitan ito ng putok.

· Pilit na gumagawa ng paraan si fairy Godmother pero talagang nanghihina pa ang kapangyarihan niya!

· Sasabihin ng mahiwagang tarot card na maar8ing mawala pa kay Fabiola ang kapangyarihan nito! Magdedesisyon si fabiola – susundan niya si fairy Godmother at Grazilda sa mundo!

· Samantala – patuloy ang pagtakbo ng oras – malapit ng sumabog ang bomba!

· Makikipag-agawan si Fernando sa trigger ng bomba na hawak ni verrone. Pero noon kikidlat! Lalamunin si verrone ng mahiwagang kidlat!

· Nagdadrive si Cindy, nang may humarang sa harapan niya – walang iba kundi si Fabiola!

· Pipilitin ni fairy Godmother na makapaglabas ng kapangyarihan! Gagawa siya ng ipo-ipo na magdadala kay kasmir papunta kay Grazilda! Mabilis na aalisin ni Kasmir ang bomba sa katwan ni Grazilda!

· Matatangay si Kasmir ng ipo-ipo kasama ang bomba at pagkatapos ay sasabog ito!

· Kasamang sasabog ng bomba si Kasmir!

Grazilda Week 13 Highlights

POST