<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 11, 2010

GRAZILDA Week 13 highlights

Day 1

• Hurt din si Grazilda sa ginawa niya kay Eric pero wala siyang magawa dahil sa kanyang ina.
• Mababaril si Matilda at mag-aagaw-buhay ito.
• Maiiyak si Eric dahil sa ginawang pag-reject sa kanya ni Grazilda.
• Malalaman na ni Fernando na nagkakilala na sina Veronne at Matilda.
• Pupuntahan ni Grazilda si Matilda. Pilit niyang isasama si Cindy.
• Makakarating na rin sa mundo si Fairy Godmother!
• Pero maiisahan ni Cindy si Grazilda. Itutulak niya ito sa isang bangin.
• Mawawalan nang malay si Grazilda.

Grazilda Week 12 Highlights



Day 2

• Makakaligtas si Grazilda. Magiging mabuti rin ang kalagayan ni Matilda!
• Hindi pa rin susuko si Eric sa panunuyo kay Grazilda!
• Aawayin ni Cindy si Grazilda sa harap ni Fernando.
• Ipagtatanggol ni Grazilda ang sarili kay Cindy.
• Mahuhulog si Cindy sa building. Tutulungan sana siya ni Grazilda pero makikita siya ni Fernando.
• Aakalain ni Fernando na gustong patayin ni Grazilda si Cindy.


Day 3

• Mag-e-explain si Grazilda kay Fernando pero hindi maniniwala si Fernando sa kanya.
• Makikita ni Fairy Godmother si Eric kaya susundan niya ito.
• Susulsulan ni Veronne si Fernando kaya ipapakulong nito si Grazilda.
• Sa wakas, magkikita na rin sina Grazilda at Fairy Godmother.
• Tutulungan ni Fairy Godmother si Grazilda na mahanap si Matilda.
• Biglang darating ang mga pulis at huhulihin nila si Grazilda!

Day 4

• Makakatakas si Grazilda sa tulong nina Fairy Godmother at Kasmir!
• Makukulong tuloy si Kasmir dahil sa pagtulong niya kay Grazilda!
• Tutulungan din ni Eric si Grazilda na makatakas. Ilalayo niya si Grazilda sa mga pulis!
• Gagawa ng paraan si Eric para mahanap si Matilda.
• Magki-kiss sina Grazilda at Eric!


Day 5

• Pupuntahan na nina Grazilda, Fairy Godmother at Jik-jik si Matilda!
• Kinakabahan si Veronne dahil malapit na siyang mabuking ni Fernando.
• Muling lalakas ang pwersa ni Fabiola.
• Malalaman ni Fernando na hawak ni Veronne si Matilda. Pupuntahan niya ito.
• Sasabihin ni Matilda kay Fernando na anak nila si Grazilda. Windang si Fernando!

POST