<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 13, 2010

Beauty Queen Week 9 Highlights December 13 to 17

Monday (DECEMBER 13, 2010)
Wala ng magawa si Maita kundi tanggapin ang sinapit niya. Sinisisi ni Maita si Donald sa lahat ng nangyari. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala sa isip ni Maita na bumalik sa mga mahal niya sa buhay. Hindi naman ito papayagan ni Donald at isisiksik niya sa isip ni Maita na wala na siyang babalikan sa kanyang buhay lalo sa itsura niya ngayon.

Hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Maita. Magagawa niyang makatakas sa silid ng ospital at muli silang magkakaharap ni Marc. Ligtas na nga ba si Maita?

Matapos magising ni Maita sa isang masamang panaginip, ay sisiguruhin niya na maging matagumpay ang pagtakas niya sa totoong buhay. Hindi siya mabibigo at malulusutan niya sila Milo at Donald. Nakalaya na nga si Maita.

Samantala, isang pagdiriwang ang nagaganap sa pagkakaluklok ni Rebecca bilang bagong Lakambini ng Kalikasan kapalit ng yumaong si Maita. Magkikita si Rebecca at Marc sa party at patuloy pa ring ipagsisiksikan ni Rebecca ang sarili kay Marc. Hahalikan ni Rebecca si Marc na mahuhuli naman ng mga camera ng press at media.

Hindi rin ito makakatakas sa mga mata ni Maita at mapapanood ang eksenang ito sa TV ng sinasakyang bus. Nakalaya man si Maita sa mga kamay ni Donald pero tila huli na ang dalaga sa puso ni Marc.

Beauty Queen Week 8 Highlights – December 6 TO 10
Tuesday (DECEMBER 14, 2010)

Lalong tumindi ang kagustuhan ni Maita na makita at makaharap si Marc. Pinuntahan ni Maita ang village kung saan nakatira si Marc. Pinagkamalang baliw si Maita ng mga security guards dahil sa anyo at ayos niya at itinaboy siya sa lansangan. Wala siyang nagawa kundi ang maghintay. Magkalayo man sila Marc at Maita ay pareho pa rin nilang hiling na muling mabuhay ang pag-ibig nila.

Bigo man si Maita na makita si Marc ay hindi pa rin sumuko ang dalaga. Bagamat napakalapit na ni Maita kay Marc ay humahadlang din ang sakit ng sugat ni Maita sa mukha. Magtagumpay pa kaya si Maita na makaharap si Marc sa lumalala niyang kalagayan?

Sa pagbawi ng lakas ni Maita ay muli niyang pupuntahan si Marc. Malulusutan na niya ang mga guwardiyang nagtaboy sa kanya. Mukhang mas lumaki ang pag-asa ni Maita!

Tagumpay na nakarating si Maita sa harapan ng mansion ng mga Sandoval. Walang sinayang na sandali si Maita at tinawag niya ang pangalan ni Marc. Aakalain ng mga Sandoval na masamang tao si Maita kaya’t papakawalan nila ang mga aso at ipapahabol si Maita sa kanila.

Makakaligtas si Maita sa mga aso at muling maitataboy palabas ng village. Gula-gulanit na ang damit ni Maita, pagod at wala ng lakas. Makakatulog siya sa kalye. Isang kotse ang hihinto sa harapan niya. Isang lalaki ang makakapansin sa kanya, siya ay walang iba kundi si Marc!


Wednesday (DECEMBER 15, 2010)

Hindi makikilala ni Marc si Maita dahil makikita niya ang bahagi ng mukha niyang sunog. Patuloy na magpapalaboy-laboy si Maita at tuluyan nang mawawalang ng lakas. Magigising na lang si Maita na nasa pangangalaga na ng isang duktor. Imbes na tuwa ay kalungkutan ang mararamdaman ni Maita matapos niyang malaman na si Donald ang nagdala sa kanya dito.

Ipinaalam agad ni Maita sa Nurse ang tunay niyang kalagayan. Hihingi siya ng tulong sa babae upang ipaalam sa Lakambini at sa lahat na buhay si Maita San Miguel. Mabubuhay ang pag-sa ni Maita sa pangakong tulong ng Nurse.

Ang hindi alam ni Maita ay narinig na ni Donald ang plano niya. Gagawa ng paraan si Donald upang hindi matuloy ang plano ni Maita. Muling babagsak ang mundo ni Maita matapos ipaalam ni Donald sa kanya na muli niyang pinigilan ang plano nito.

Samantala, patuloy ang depression ni Rebecca dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makaiskor kay Marc. Laking gulat na lang ni Dorcas ng makita ang kapatid niyang laslas ang pulso at naliligo sa sariling dugo. Nagpakamatay si Rebecca.

Walang bukambibig si Rebecca kundi ang pagmamahal nito kay Marc. Ipapangako naman ni Dorcas sa kapatid niya na gagawin niya ang lahat matupad lang ang pangarap ng kapatid. Tuluyan na ngang mamamatay si Rebecca.

Matapos ang pagtakas ni Maita ay mag-ooffer si Donald ng isang kasunduan. Nangakong tutulungan ni Donald si Maita na maibalik ang dating itsura at makabalik sa kanyang pamilya kung magpapakasal ito sa kanya!


Thursday (DECEMBER 16, 2010)

Hindi papayag si Maita sa kasunduang hinain ni Donald. Susubukan pa rin ni Maita na tumakas. Bago pa man niya ito magawang muli ay mapag-iisip siya matapos marinig ang pag-uusap ni Milo at Donald. Kakagat na kaya si Maita sa kasunduan?

May mabubuong plano si Maita. Sasakyan ni Maita ang laro ni Donald. Papayag na si Maita na magpakasal kay Donald.

Samantala nagluluksa naman ang mga Rivas sa pagkamatay ni Rebecca. Higit ang kalungkutan ni Leavida sa lahat. Gustuhin man ni Marc na makiramay ay papaalisin siya ni Leavida.


Friday (DECEMBER 17, 2010)

Hindi man nagkita sila Marc at Maita ay tuluyan namang nagkrus ang landas nila Marc at Donald. Mabunyag na kaya kay Marc ang lihim ni Donald na matagal na niyang tinatago?

Muling makakalusot si Donald kay Marc pero wala na siyang sasayanging panahon. Bago pa man tuluyang magkita si Marc at Maita. Donald formalizes the wedding proposal to Maita with an ex-deal na pagagandahin niya ito. Wala namang magagawa si Maita as she accepts Donald’s proposal feeling defeated.

Samantala, Marc is still disturbed with the possibility that Maita is still alive. Marc finally decides to go abroad with Yuri to once and for all move on from the haunting memories of Maita.

Hindi magtatagal ay makakarating kay Maita ang balita ng pangingibang bansa ni Marc. Gagawin niya ang lahat ng paraan para makita si Marc bago pa mahuli ang lahat pero hindi rin hahayaan ni Donald na mangyari ito.

Beauty Queen Week 8 Highlights – December 6 TO 10

POST