<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 17, 2010

Bantatay Week 13 Highlights – December 17 to 23

December 17 (Friday)

Hostage ang buong PCSO office sa episode na ito ng Bantatay!

Matapos magkalat ang mga lottery tickets, kasama ng winning ticket nina Emily, naglabas na ng baril si Daisy para walang lumabas at makatakas kasama ng winning lottery ticket. Pero wala mang makalabas mula sa loob, may dalawang tulong naman na papasok para kina Joanna: si Bantatay at si Jace (guest star Benjie Paras)!

Tatawag na rin sin Mingming ng pulis para makatulong sa pagligtas sa mga hostage ni Daisy—pero magagawa nga bang utakan ng mga ito ang ganid na si Daisy?

Samantala, gustong malaman ni Clarita kung ano na ang nangyari sa kanyang anak na si Marcela matapos nitong tumakbo paalis ng kanilang bahay.

Bantatay Week 12 Highlights


December 20 (Monday)

Ililigtas ni Bantatay at ng kanyang mga kaibigang police dogs sina Farrah, Junix at Emily!

Tapos na ang maliligayang araw nina Daisy! Napatakas na ni Bantatay at ng mga police dogs ang mga hostages, at wala na silang panghahawakan para makatakas mula sa mga pulis. Pero may last resort si Daisy na maglalagay kay Bantatay sa matinding panganib!

Sa kaguluhan ng pagtakas ng mga hostages, malalagay rin sa panganib si Joanna—at magtatagisan sina Norbet at Calvin kung sino ang magiging knight-in-shining-armor ng dalaga!

Samantala, mawawala naman ni Jace (guest star Benjie Paras) ang winning lottery ticket. Pero bago matapos ang lahat ay may makakakuha na rin ng prize money nito! Ang tanong ay... sino?


December 21 (Tuesday)

Papasok na ang Christmas spirit sa bahay nina Bernard!

Nakuha na ni Jace (guest star Benjie Paras) ang chekeng nakuha ng mga bata sa PCSO, pero pipilitin pa rin nila na maging masaya ang Pasko nilang kasama si Bantatay.

Sa tulong ni Joanna, gagawa ng plano ang mga bata para maibalik ang dating saya ng mga nauna nilang Pasko!

Samantala, excited naman si Clarita nang malamang uuwi na ang anak niyang si Marcela mula sa ospital. Pero anong sorpresa ang nag-aabang para sa pagbabalik ni Marcela?

At magtatagpo na ring muli sina Bantatay, Sweet at Jaya! Paano tatanggapin ni Bantatay ang balita ng dalawang kaibigan tungkol sa bagong buhay ni Marcela?


December 22 (Wednesday)

Ang Pasko ay malapit nang sumapit, pero sina Emily, Junix at Farrah, mukhang magkakaaway pa!

Para mapasaya ang Pasko ni Bantatay, naisip ng mga bata na balikan ang dati nilang mga nakaugalian sa tuwing sasapit ang panahon ng Pasko. Pero imbis na maging masaya, unti-unti pang iinit ang ulo ng mga bata sa isa't-isa!

Magiging masaya pa ba ang parating na Pasko para sa kanila?


December 23 (Thursday)

Dumating na ang Pasko sa buhay nina Emily, Junix at Farrah!

Matapos magtalo at magsisihan, mare-realize ng mga anak ni Bernard na mali ang kanilang ginagawa. Magkakaroon ng masayang salu-salo ang pamilya, kasama ang kanilang mga kaibigan. At para lalong maging masaya ang kanilang Pasko, ishe-share ng mga bata ang kanilang blessings sa mga asong walang tahanan.

Sa bahay naman nina Simon, malungkot ang Pasko. Magtatalo pa sina Simon at Clarita sa nangyari kay Marcela. Ang hindi nila alam ay nakatakas na ang kanilang pasyente!

Magkakaroon na ng lakas ng loob si Norbert na magtapat ng nararamdaman kay Joanna—pero mauunahan na naman siya ni Calvin!

At mapapadpad naman si Marcela sa simbahan kung nasaan nagdarasal sina Bernard, Emily, Junix at Farrah na makasama na muli ang nawawalang si Marcela.

Matutupad na ba ang kanilang dasal?

Bantatay Week 12 Highlights

POST