<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 2, 2010

Bantatay Week 11 Highlights - December 2 to 8

December 2 (Thursday)

Susubukang tawagin nina Junix at Farrah ang inang si Marcela—pero agad itong matatangay ni Simon.

Tuluyang makakatakas sina Emily mula sa mga masasamang kamag-anak, pero madidiskubre nila na wala si Bantatay! Nahuli nina Bruno at Baldo ang ama!

Gagawa ng plano si Lenlen kung paano nila mababawi ang aso; agad susugod ang mga bata sa dating bahay para sa Operation: Ligtas Bantatay! Pero pagdating nila doon, si Peklat lang pala ang nahuli ng mga kamag-anak! Nasaan si Bantatay?

Magugulat naman si Bernard nang makitang kasama na niya sina Sweet at Jaya—sa isang kulungan ng mga aso! Nasa dog pound na ang namamahala ng napaka-sweet na si Angel Catayan.

Paano makakatakas si Bantatay mula sa dog pound?! At magagawa ba nina Emily na magawa ang misyon sa dating bahay ng hindi nahuhuli ng mga kamag-anak?

Bantatay Week 10 Highlights


December 3 (Friday)

Balik sa paghahanap sina Emily, Junix at Farrah sa kalye—kailangan nilang mahanap ang kanilang ama!

Malalaman nina Jaya at Sweet na malapit na pala ang birthday ni Bernard, kaya naman maghahanda sila ng sorpresa para kay Bantatay sa loob ng dog pound. Pero may isang aso na hindi papaya na maging masaya ang mga bagong salta !

Samantala, magdedesisyon si Simon na ipahanap ang mga anak ni Marcela, para siguraduhing hindi na nila lalapitan pa ang kanilang ina.

At magkakaroon naman ng tension sa pagitan nina Norbert at Calvin, nang ipagpilitan ng huli ang sarili na tumulong sa paghahanap nina Joanna kay Bantay.

December 6 (Monday)

Unti-unti nang nawawalan ng kakampi si Bernard sa loob ng San Roque Dog Pound, pero hindi niya pa rin ititigil ang pag-imbestiga sa lugar. Malalaman na ni Bernard na kinakatay ang mga aso sa dog pound!

Agad niya itong ibabalita sa mga kaibigan at iba pang kasama sa dog pound, pero walang maniniwala sa kanya—kahit sina Sweet at Jaya na mga kaibigan niya!

Samantala, patuloy naman si Calvin sa pagpapalakas kay Joanna—at nararamdaman ni Norbert na nawawalan na siya ng puwesto sa buhay ni Joanna.

Sina Emily, Junix at Farrah naman ay makakakuha ng lead kung nasaan si Bantatay! Maabutan pa kaya nila ang ama—o dog meat na lang ba ang makikita nila sa kanilang pagdating sa San Roque Dog Pound?

December 7 (Tuesday)

Malalaman na nina Emily, Junix at Farrah ang ginagawa ng San Roque Dog Pound sa mga asong nahuhuli nila! Lenlen tells them na isumbong na ang mga ito sa mga pulis—pero anong pruweba ang maipapakita nila na totoo ang mga sinasabi nila?

Makakatas naman si Bernard mula sa dog pound! Pero magagawa ba niyang iwan ang mga kaibigang sina Sweet at Jaya sa kanilang kapalaran?

At magkakaroon ng chance si Calvin na masolo si Joanna. Tuluyan na bang susuko si Norbert sa pagsuyo kay Joanna?


December 8 (Wednesday)

Matapos iligtas ang mga aso sa dog pound, muntikan na namang mahuli sina Bernard, Sweet at Jaya! Pero makakahanap ang tatlo ng taguan—ang delivery truck na minamaneho nina Bruno at Baldo!

Successful ang raid operation ng mga pulis sa San Roque Dog Pound—pero hindi nila mahahanap ang ama nina Emily!

Sa pag-uwi ng mga bata, may tatambad na flier kay Junix: advertisement ng isang pet detective, si Jace Ventoza (special guest star, Benjie Paras)! Ito na kaya ang tutulong sa kanilang mahanap ang nawawalang ama?

At isa pang sorpresa ang maghihintay sa mga anak ni Bernard—dahil mahahanap na nina Frankie at Monina ang bago nilang tirahan!

http://www.showbiz-portal.com/2010/11/bantatay-highlights-november-26-to.html

POST