<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Dec 8, 2010

Bantatay 12 Highlights – December 9 to 15

December 9 (Thursday)

Sinusubukang takasan nila Bantatay, Sweet at Jaya ang malupit na si Ms. Angel sa dog pound, pero hindi nila alam na mapupunta pala sila sa kamay nila Bruno at Baldo, at siguradong dadalhin na sina kay Daisy! Gagawa ng paraan ang tatlo para matakasan nila ang mga ito, but to no avail. Hawak na ni Daisy si Bantatay, at may binabalak siya dito…

Nalaman nina Emily, Junix at Farrah ang tungkol sa pagkapanalo ng hawak nilang lotto ticket, pero nawawala naman ito. Hinanap ng buong grupo ang ticket, at nang mapasakamay nila ito, swerteng nakita naman nila ang isang ‘DOG FOUND’ sign na may picture ni Bantatay.

Masaya na sana ang magkakapatid nang tawagan nila ang numero sa signage – hanggang sa malaman nilang may hinihinging kapalit ang ‘nakapulot’ kay Bantatay – ANG LOTTO TICKET…

Bantatay Week 11 Highlights

December 10 (Friday)

Malalaman nilang sina Daisy nga ang may hawak kay Bantatay at gusto nitong ipagpalit si BANTATAY sa LOTTO TICKET. Matapos ang mahabang usapan, papayag ang buong grupo na ibigay ang ticket pero dapat siguradong ligtas si Bantatay – kaya kukunin nila ang tulong ni JACE VENTOZA, PET DETECTIVE para maging successful ang exchange.

Nakatakas sina Sweet at Jaya mula kay Daisy, at misyon nilang sabihin sa mga anak ni Bantatay ang tunay na balak nito, pero iba ang makikita nila – SI MARCELA KASAMA SI SIMON!

Matapos ang pagpa-plano kasama si Jace, magkakaharap na muli ang grupo nila Daisy at ang grupo nila Emily – all dressed as Santa para lituhin ang isa’t-isa. Sino kaya ang magtatagumpay sa lituhang ito?


December 13 (Monday)

Susubukang isahan ni Daisy ang mga bata sa exchange – pero hindi siya successful. Susugod ang mga kasama nila Emily – Jace, Norbert, Joanna et al. Pareho pala ng plano para makaisa sina Daisy at Jace sa exchange na ito kaya naman todong magkakalituhan na! Pero makakatakas pa din sina Bantatay kasama ang mga bata. Ngunit bigo man ang mga kontrabidang palpak, nasa kanila pa rin ang LOTTO TICKET…

Samantala, unti-unting lumilinaw kay Marcela ang mga mukhang nakikita niya sa kanyang alaala. Lalong dadami ang tanong sa kanyang isipan…

Liliparin mula kay Daisy ang lotto ticket at muli nitong makakaagawan ang mga bata. Hindi naman makakapayag si Bantatay na masaktan ni Daisy ang mga anak niya dahil lang sa ticket na ito – kaya kakainin ni Bantatay ang lotto ticket!

December 14 (Tuesday)

Galit na galit si Daisy kay Bantatay! Sasaktan niya ito kahit protektahan pa ng mga bata. Lahat sila ay dadalhin ni Daisy para gantihan dahil sa nawalang yaman niya. Pero may naisip sina Bruno at Baldo – hihintayin nilang pumupoo si Bantatay para makuha ang lotto ticket!

Susubukang lumapit nina Joanna sa pulis para humingi ng tulong pero hindi sila papaniwalaan ng mga ito dahil sonrang outrageous ng kwento nila… lalapit muli sila kay Jace – only to find out na hawak nito ang tunay na LOTTO TICKET!

Habang hindi naman mapoopoo si Bantatay sa poder nila Daisy – kaya pipilitin na nilang kunin ang lotto ticket mula sa katawan niya – KAKATAYIN NILA SI BANTATAY!

Sa paghahagilap naman ni Marcela ng sagot sa mga tanong niya, makikita niya na lang ang sarili sa labas ng isang pamilyar na bahay – ang bahay nila nina Bernard! Pagbubuksan siya ni Daisy ng pinto. Makita kaya ni Marcela ang kanyang pamilya? Siya ba ang magliligtas kay Bantatay at sa mga anak niya?


December 15 (Wednesday)

Pero hindi naman makikilala ni Marcela si Daisy, at papaalisin na lang siya nito. Sa pag-alis niya, darating naman sina Joanna kasama si Jace, ililigtas na nila ang mga bata!

Hindi pa rin umuuwi si Marcela, hinanap na ito ni Simon. Nauubos na ang pasensya ni Simon sa kanya. Aabutan ni Simon si Marcela at sa galit ay masasaktan niya ito, at dahil dito, lalong magbabalik ang alaala ni Marcela…

Maitatakas nila Joanna ang mga bata at si Bantatay mula kina Daisy – at kahit ayaw ni Jace ay mapapasakamay na nila ang lotto ticket. Dadalhin na nila ito sa PCSO para kuhanin ang premyo nila. Pero naghihintay din doon sina Daisy, hindi pa rin makakapayag na maisahan sila ng mga bata. Sa sobrang gigil ni Daisy na mapasakanya ang lotto ticket – she declares ‘HOSTAGE!’ sa buong opisina!

Bantatay Week 11 Highlights

POST