<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 20, 2010

Koreana Week 6 Highlights

Day 1
1. Sinundan ni Benjo si Jenna kahit hirap siya pero hindi naabutan.

2. Jenna admits to Josefina and Ada she really, truly loves Benjo pero may iba na itong mahal.

3. Bebeng tells Benjo kung bakit umalis si Jenna sa ospital bago pa sila nagkita, nakita raw kasi ni Jenna sina Benjo at Darlene na magkayakap.

4. Klaro kay Benjo na nagselos si Jenna so the more that he must talk to her to explain na wala silang relasyon ni Darlene.

5. Violeta urgently supports the police’ theory that business competition is the reason kung bakit may nanloko kay Chang Hee tungkol sa nawawalang apo.

6. Chang Hee declares it doesn’t matter too much kung sino ang salarin, ang importante lang ay ang buhay na naman niyang paniniwala that his grandchild is still alive.

7. Benjo leaves the hospital with Bebeng, walang nagawa si Darlene.

8. Wala si Jenna sa bahay pero nakausap ni Benjo si Josefina and he tells her wala siyang ibang mahal kundi si Jenna.

9. Violeta tells Bel she should beat Chang Hee in finding his apo, uunahan niya.

10. Benjo looked everywhere for Jenna, sa simbahan sila nagkita.

11. Violeta declares to Bel na kapag naunahan niya si Chang Hee na matagpuan ang apo, sisiguraduhin niyang hindi na talaga magkita ang maglolo.

12. At last, naamin na rin ni Jenna kay Benjo that she is in love with him, both are happy.

13. Pormal nang ipinaalam nina Jenna at Benjo kay Josefina na sila na, Ada was there, too.

14. Napanaginipan ni Chang Hee si Philip, Philip is encouraging Chang Hee to just continue looking for his daughter, huwag sumuko.

15. Joshua gives Chang Hee the progress report, nasa Bicol daw talaga ang hinahanap na apo.

16. Benjo gives Jenna a bracelet with a pendant similar to Jenna’s necklace na kinuha ni Sandra.

17. Minaliit ni Sandra si Benjo harapan as Jenna’s boyfriend.

18. Jenna tells Benjo na dalawang bagay na lamang talaga ang gusto niyang mangyari and that is to give Josefina a good life at matagpuan niya ang kanyang totoong pamilya.

19. Seeing how happy Jenna and Benjo are, Darlene declares to herself na hindi siya papayag, kanya lang daw talaga si Benjo.





DAY 2

1. Paalam si Jenna kay Josefina na magdi-date sila ni Benjo, Josefina says yes.

2. Darlene dad’s remind her that he raised her a fighter, dapat laging panalo and she agrees, saying wala pa siyang gusto na hindi nakuha.

3. Miss ni Joshua si Jenna, feel niya dating presence nito sa restaurant.

4. May kustumer si Sandra na naghahanap ng virgin, nakita si Jenna, natipuhan kahit sabi ni Sandra na mahal kasi may dugong Koreana.

5. Sa kubong dati nilang tinulugan nang maglayas si Jenna, nag-improvise ng candle lighted dinner si Benjo, dito dinala si Jenna but then Oweng arrives ‘cause Darlene is on his celfone looking for Benjo.

6. Walang magawa si Benjo kundi kausapin si Darlene, selos si Jenna.

7. Nilambing ni Benjo si Jenna, Jenna doesn ‘t hide to Benjo na selos siya.

8. Ayaw magsabi ni Joshua ng details kahit kanino sa paghahanap sa apo ni Chang Hee, Chang Hee’s order daw, lihim na inis na lang si Violeta.

9. More money for Wally from Violeta para mas magpursige pa ang detective na mahanap agad ang apo ni Chang, she tells Bel she still trusts him.

10.Dalaw si Jenna kina Dindi sa resto pero alis agad ‘cause Violeta and Ivy arrive, nakasalubong naman niya sa labas si Joshua.

11. Kahit tumawag si Ivy, Joshua chooses not to stay on the phone para lang maihatid si Jenna na ayaw mapahiya si Joshua so pumayag.

12.Reklamo na naman si Ivy kay Violeta about how Joshua treats her but Violeta says she has more important concerns like kailangang siya ang unang makakita sa apo ni Chang Hee para raw sa kinabukasan nila ito ni Ivy.

13.Lihim na hurt si Joshua when Jenna tells him mag-on na sila ni Benjo.

14. Nagkuwento si Joshua kay Jenna about the apo, napaisip si Jenna nang malaman it’s possible buhay pa apo ni Chang Hee.

15.Jenna tells Josefina baka buhay pa ang apo, Josefina asks kung umaasa na naman ba si Jenna na baka siya ang apo, Jenna says hindi niya alam basta naaawa siya kay Chang Hee at gusto niyang matagpuan nito ang apo para maging masaya na.

16.Nakunan ni Amy ng picture with her celfone ang dragonfly necklace ni Jenna na naka-display sa pawnshop para maipakita kay Mr. Shim, so he could maybe buy the necklace for her.

17.Naalala ni Jenna ang necklace, sabi ni Josefina sana may pera siya so she can get it back for Jenna.

18.When Chang Hee sees the necklace’s picture in Amy’s iphone, nakilala niya ang kuwintas.

19. Pinuntahan nina Chang Hee ang pawnshop pero wala na doon ang kuwintas, nabili na .

20.Nakiusap si Chang Hee sa employee ng pawnshop to get the address of the buyer but there is a policy na pinapatupad so she says no.

21. Sa labas ng pawnshop, nagmamasid si Violeta.

22. Gusto nang umuwi ni Benjo ‘cause may sorpresa siya for Jenna but Darlene insists he stays para makipagsosyalan si Benjo with the promoters for the sake of his boxing career.

23. Nakipag-away na naman si Jenna kay Sandra , hindi kasi ma-take ang mga pinagsasabi ni Sandra against Josefina.

24. Coming from away nila ni Sandra tawag si Jenna sa gym, si Darlene ang sumagot, may binabalak si Darlene pagdating ni Jenna sa gym.

25. Nasa gym na si Jenna, hurt siya sa nakikita na nag-i-enjoy si Benjo sa inuman while Darlene stays close to him—nakahilig, nakaangkla and Darlene sees to it na makikita pa ni Jenna ang kiss niya sa lips ni Benjo.



DAY 3

1.Extremely hurt Jenna turns to leave, hindi niya nakita when Benjo pushes Darlene away and gets so irritated by that kiss, nag-sorry si Darlene naparami lang daw ang nainom niya.

2. Nakita ni Benjo si Jenna na paalis so hinabol, sumbatan, sabi ni Jenna priority daw for Benjo ang boxing, he tells her na wala naman daw siyang makuhang support from Jenna di tulad ng coach at ni Darlene, in the end, galit pa rin na umalis si Jenna.

3. Kita ni Darlene ang away nina Jenna at Benjo, she’s happy.

4.Tuloy ang paglalasing ni Benjo kahit wala na ang mga promoters dahil sa sama ng loob kay Jenna but then nang maalala ang surprise niya kay Jenna, gusto na naman itong puntahan.

5. Napigilan ni Darlene this time si Benjo na umalis, baka raw kasi kung ano pa ang masabi kay Jenna dahil lasing and Benjo sees her point.

6.Inutusan ni Sandra si Josefina para makaalis ito at maiwan si Jenna, obviously may masama siyang balak kay Jenna.

7. Report si Wally kay Violeta, nakuha na raw niya ang pangalan at address ng nagsanla ng kuwintas, binlakmail lang daw niya ang may-ari ng pawnshop kaya bumigay.

8. Nakuha na rin ni Joshua ang informations sa nagsanla ng kuwintas at nalaman pa from the owner na may isang lalaki rin na kung ano-ano ang pananakot makuha lang ang pangalan at address ng nagsanla.

9.Nang mabasa ni Joshua ang address ng nagsanla, alam niya kaagad this is also where Jenna lives.

10.Naturukan ni Sandra si Jenna, unconscious si Jenna, nakita naman ni Ada ang ginawa ni Sandra.

11.Joshua informs Chang Hee kung sino pa ang nakatira sa casa na hindi naman prostitute, si Jenna. Naalala ni Chang hee na sinabi ni Jenna minsan na may dugo itong Koreana, Chang Hee and Joshua proceed to the casa.

12.Alam na ni Josefina ang masamang balak ni Sandra kay Jenna, gusto niyang kunin ang drugged na si Jenna, pero kahit kasama si Ada, wala silang magawa, naikarga na si Jenna sa sasakyan ng bodyguard ni Sandra.

13. Dumating si Benjo, away sila ng bodyguard, medyo napuruhan naman nina Josefina si Sandra, hilo ito … ipinatakas ni Benjo si Jenna kina Josefina and Ada while he is trying to contain the bodyguard.

14. Traffic, sa long line of car, nakita ni Violeta car ni Chang Hee, ahead of them so pinahanap niya ng short cut si Bel para mauna pa rin sila sa casa.

15. Didiretso si Josefina with the drugged Jenna sa bus station, sakay ng traysikel ni Oweng.

16. Nakipagrambulan na ang mga good pokpoks sa mga bad pokpoks ni Sandra maitakas lang ni Josefina si Jenna from Sandra.

16.Napukpok ng bodyguard si Benjo sa ulo, unconscious ito.

17. Salisi ng car ni Chang Hee at traysikel ni Oweng na sakay sina Jenna at Josefina to the bus station.

18.Wala na si Jenna nang ma-contain ni Benjo ang bodyguard but Ada was able to tell him na sa bus station didiretso ang mag-ina.

19. Alis na ang bus, habol si Benjo but hindi siya nakita ni Josefina.



DAY 4

1. Frustrated si Benjo dahil hindi nahabol ang bus na sinasakyan nina Jenna at Josefina.

2. Conscious na si Jenna at nalaman niya ang disisyon ni Josefina na ang pupuntahan nila ay Maynila.

3. Nagkaharap na sina Violeta at Sandra, parehong maere at mataray, nagkainisan, walang nakuhang impormasyon about the necklace si Violeta but they now know na hindi si Sandra ang apo ni Chang Hee.

4. Dumating sina Chang Hee and Joshua, sina Ada ang unang nakausap, nalaman nila na umalis na sina Jenna, pa-Maynila.

5. Dumating si Sandra, pinaalis si Ada so siya na ang nakausap nina Chang Hee and Joshua. Joshua asks kung siya si Sandra at ipinakita ang picture ng kuwintas, hinahanap daw kasi nila ang may-ari.

6. Just to get that information, nagbigay ng check sina Joshua kay Sandra pero hindi tinanggap ni Sandra, pag-iisipan pa raw.

7. Joshua and Chang Hee ask Sandra about Jenna pero hindi nagbigay ng tamang impormasyon si Sandra, basta sinabi lang na wala na sina Jenna, inis nang pinaalis sina Chang Hee and Joshua.

8. Narinig ni Ada ang usapan ni Sandra at mga kakamping pokpoks, tungkol sa paghahanap ni Chang Hee kay Jenna, about the possibility na si Jenna ang apo ni Chang Hee.

9. Malapit na sa Maynila sina Josefina and Jenna, though sad si Jenna dahil nagkahiwalay sila ni Benjo na may samaan ng loob, hopeful pa rin siya na makakaya nila ni Josefina ang mamuhay sa Maynila.

10. Nagpaalam si Benjo kay Darlene, pupunta siyang Maynila para sundan at hanapin si Jenna. Hindi napigil ni Darlene si Benjo, nabuwisit.

11. Nakapag-fish out ng information si Violeta from Joshua na wala naman palang sinabi si Sandra kina Chang Hee and Joshua na may iba pang naghahanap ng totoong may-ari ng necklace.

12. Pumunta si Ada sa restaurant ni Chang Hee, she tells Chang Hee and Joshua na si Jenna ang totoong may-ari ng kuwintas, na si Jenna ang nawawalang apo ni Chang Hee.

13. Tinanggap na ni Sandra ang pera from Violeta at sinabi na rin kay Violeta na si Jenna ang may-ari ng kuwintas.

14. Sa harapan ng isang branch ng restaurant ni Chang Hee sa Maynila, mahihilo si Jenna at mukhang mabubundol ng sasakyan.



DAY 5

1. Nag-collapse si Jenna.

2. May tumulong kina Jenna at Josefina, ang teenager sa parking lot, si Jess.

3. Dindi tells Chang Hee na nakita na niya ang kuwintas sa picture ng iphone ni Amy, kay Jenna talaga ito.

4. Naalala ni Chang Hee na parang may gustong sabihin sa kanya si Jenna noon, he feels na si Jenna na nga ang kanyang apo.

5. Alam na rin ni Violeta na kay Jenna ang kuwintas.

6. Naaawa si Jess kina Jenna so isasama niya ang mga ito sa kanila, baka raw papayag ang kanyang nanay na sina Jenna na lang ang kukuha sa kanilang paupahan.

7. Chang Hee regrets na maraming nasayang na panahon dahil hindi niya kaagad nahulaan o naramdaman na si Jenna ang apo.

8. Nalaman ni Ivy na si Jenna ang nawawalang apo ni Chang Hee.

9. Shocked pa rin si Violeta na si Jenna pala ang nawawalang apo.

10. Maramot ang mother ni Jess, pumayag na ibigay kina Jenna ang paupahan pero pati bracelet ni Jenna na bigay ni Benjo, kinuha, pandagdag na bayad.

11. Joshua promises Chang Hee he will bring Jenna home.

12. Violeta pretends she is happy na si Jenna ang apo ni Chang Hee, nagsisisi raw kuno na pinakulong noon si Jenna, hindi kasi alam na ito ang apo.

13. Pero pagtalikod ni Chang Hee, Violeta tells Ivy na kailangang maunahan nila si Chang Hee na makita si Jenna at gagawin niya ang lahat para hindi na magkita ang maglolo.

14. Dumating na si Benjo sa Maynila to look for Jenna.

15. Binalikan ni Violeta si Sandra, nagkasundo sila na kapag nabalitaan ni Sandra kung nasaan si Jenna sa Maynila, kay Violeta kaagad sasabihin.

16. Payag na rin si Jenna na magtrabaho bilang parking girl, kasama si Jess.

17. Humingi ng tulong si Benjo kay Deks, a friend na nagtatrabaho sa radio station.

18. Dinala ni Ada ang mga gamit ni Jenna kay Chang Hee, an old photo noong kid pa si Jenna ang nag-reaffirm kay Chang hee that Jenna is his apo.

19. Kumita si Jenna sa parking lot, hiram siya ng celfone kay Jess to contact Ada.

20. Nanawagan si Benjo kay Jenna sa radio.

21. Nag-request si Chang Hee kay Benjo na i-publish sa mga dailies ang paghahanap kay Jenna, gawin na rin ang lahat na panawagan, exhaust all efforts to locate Jenna.

22. Napasigaw si Ada nang makitang may text message sa kanya si Jenna, inagaw ni Sandra ang celfone ni Ada.

POST