<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Nov 14, 2010

Grazilda - Week 10 highlights

Day 1

• Magpapanggap si Fabiola na siya si Matilda.
• Muntik nang mapatay ni Fabiola si Grazilda pero makakatakas si Grazilda.
• Makikilala ni Grazilda si Kasmir (Daniel Matsunaga), isang prinsipe na magiging kaaway niya.
• Kailangang makuha ni Grazilda ang isang uri ng hayop dahil ito ang makakatulong niya para talunin si Fabiola kaya lang hahadlangan siya ni Kasmir.
• Lolokohin ni Kasmir si Grazilda kaya magagalit si Grazilda.
• Mare-realize ni Eric kung gaano ka-importante si Grazilda sa buhay niya.
• Mapapahamak sina Grazilda at Kasmir!

Grazilda Week 9 Highlights



Day 2

• Makakaligtas sina Grazilda at Kasmir kaya lang mawawala ang charmed necklace ni Grazilda.
• Gagamitin nina Veronne at Cindy si Eric para i-manipulate si Lolo Leon.
• Muntik nang magkita sina Matilda at Fernando.
• Hahanapin ni Fabiola si Grazilda. Gamit ang magic wand, gagawa siya ng lindol sa buong Fantasia para lamang matunton si Grazilda.
• Aabutan ng lindol sina Grazilda at Kasmir! Makalusot pa rin kaya si Grazilda?!

Day 3

• Ililigtas ni Kasmir si Grazilda at dahil dito, magkakasakit si Kasmir.
• Aalagaan ni Grazilda si Kasmir bilang utang na loob.
• Magkakagusto si Kasmir kay Grazilda. Mahahalikan niya si Grazilda!
• Magseselos na si Cindy dahil puro na lang si Grazilda ang nasa isip ni Eric.
• Mami-miss ni Grazilda si Eric.
• Susurpresahin ni Kasmir si Grazilda. Ibibigay nito ang magical creature kay Grazilda.
• Sobrang grateful naman si Grazilda dahil matatalo na niya si Fabiola.

Day 4

• Aatakihin sa puso si Lolo Leon dahil kina Veronne at Cindy. Tatakas naman ang dalawa at hindi na dadalhin pa sa ospital ang matanda.
• Maikwe-kwento ni Kasmir kay Grazilda na dati ay meron siyang babaeng minahal pero naghiwalay sila dahil sa kanyang kapatid.
• Magdi-disguise si Grazilda para makapasok ng kaharian.
• Mahuhuli si Grazilda ng isang kawal pero tutulungan siya ni Kasmir.
• Windang si Grazilda nang malaman na kapatid ni Kasmir si Fabiola!

Day 5

• Hindi makapaniwala si Grazilda na magkapatid sina Kasmir at Fabiola!
• Magagalit si Grazilda kay Kasmir dahil akala niya ay kasabwat nito si Fabiola.
• Makikipagbreak na si Eric kay Cindy. Hindi na niya matiis ang masama nitong ugali.
• Maglalaban sina Grazilda at Fabiola pero sadyang mas malakas pa rin si Fabiola kaya matatalo niya si Grazilda.
• Papatayin na sana ni Fabiola si Grazilda pero ililigtas ni Kasmir si Grazilda.
• Mapupunta sa real world sina Grazilda at Kasmir.

Grazilda Week 9 Highlights

POST