<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Oct 10, 2010

Koreana Week 1 Highlights

Day 1

Magsisimula ang kwento sa Korea Town . Parang isang kidnapping ang nagaganap. Hawak ni NERISSA ang isang bata at hinahabol sila ng lolo ng bata, si Chang Hee, at ni Violeta. Makakatakas si Nerissa, dala ang bata. Sunod nating makikita si Nerissa lulan ng bus. Malalaman natin na anak pala niya ang bata.

Maaalala ni Nerissa ang nakaraan. Umibig siya sa isang mayamang Koreano, si Philip. Magbubunga ang kanilang pagmamahalan. Ipapaalam nila ang kanilang relasyon pati na ang pagbubuntis ni Nerissa sa tatay ni Philip na si Chang Hee. Mahigpit na tututulan ng matanda ang kanilang pagmamahalan. Pero si Nerissa pa rin ang pipiliin ni Philip. Iiwan niya ang ama at pakakasalan ang nobya.

Babae ang naging anak nina Nerissa at Philip. Rissa ang ipapangalan nila rito. Mababalitaan naman ni Chang Hee na mayroon na siyang apo. Ito ang magiging dahilan ng paglambot ng kanyang puso. Pupuntahan niya sina Nerissa at Philip at makikipag-ayos. Hihimukin niya ang mga ito na sa kanya na tumira para makasama niya ang apo.

Makalipas ang tatlong taon, makikita natin na sobrang malapit si Chang Hee sa apong si Rissa. Ikagagalit naman ito ni Violeta. Pakiramdam niya ay inaagawan siya at anak na si Ivy ng lugar sa mansyon nina Nerissa at Rissa.

Isang maitim na plano ang isasakatuparan ni Violeta. Palalabasin niya na may relasyon si Nerissa sa kanilang hardinero. Lalagyan ni Violeta ng pampatulog ang inumin ni Nerissa. Sunod na mangyayari ay dadatnan ni Chang Hee si Nerissa na katabi sa kama ang hardinero.

Palalayasin ni Chang Hee si Nerissa. Ayaw namang maniwala ni Philip na nagtaksil ang asawa. Sa gitna ng kaguluhan ay hahabol si Rissa sa kanyang ina. Muntik na itong masagasaan. Ililigtas ni Philip ang anak, ngunit siya ang mabubunggo ng sasakyan.


DAY 2

Masama ang lagay ni Philip. Bago ito mamatay ay ibibilin niya ang anak na si Rissa kay Chang Hee. Mangangako si Chang Hee na mamahalin at aalagaan ang apo. Sisisihin ni Chang Hee si Nerissa sa nangyari. Ipagtatabuyan niya ito. Kukunin sana ni Nerissa si Rissa ngunit ipagkakait ni Chang Hee na makuha nito ang anak.

Samantala, may bagong plano si Violeta. Nais rin niyang alisin sa landas ang anak ni Nerissa. May uutusan siya para dukutin ang bata.

Sa burol ni Philip, darating si Nerissa. Haharangin siya ng gwardya. Aagawan niya ito ng baril at makakapasok. Makukuha niya ang anak. Susubukan siyang pigilan ni Chang Hee kaya magpapaputok siya ng baril.


DAY 3

Maitatakas ni Nerissa ang anak. Pupunta sila sa bus station. Masusundan pa sila ng mga pulis doon at muntik nang makita. Uutusan rin ni Violeta ang mga inupahang goons na pumunta sa terminal ng bus dahil alam niyang taga-Bicol si Nerissa. Pag-alis ng bus na sinasakyan ni Nerissa ay makikita siya ng isa sa mga goons. Susundan ng mga ito ang bus.

Samantala, may makikilalang pasahero si Nerissa, ito si Josefina. Madali silang magkakapalagayan ng loob. Maikukuwento pa ni Nerissa na Koreano ang ama ng anak niya, pero hindi na magbibigay pa ng ibang impormasyon.

Sa stopover ng bus ay magkakaroon ng komosyon. May mga armadong lalake na naghahanap kina Nerissa. Dahil sa takot na kunin ng mga ito ang anak niya, makikiusap si Nerissa kay Josefina na kunin si Rissa. Pagtataguin niya sa talahiban sina Josefina.

Haharapin ni Nerissa ang mga armadong lalake. Mag-iinit ang ulo ng lider ng grupo dahil ayaw sabihin ni Nerissa kung nasaan ang anak niya. Babarilin nito si Nerissa.

DAY 4

Pagugulungin ng lider ng mga goons ang katawan ni Nerissa sa bangin at iiwan dun para mamatay. Palalabasin naman nila kay Violeta na napatay nila ang mag-ina. Ibabalita naman ni Violeta kay Chang Hee na patay na ang apo nito.

Maniniwala rin si Josefina na patay na nga si Nerissa kaya kukupkupin niya ang anak nitong si Rissa. Dadalhin niya ito sa tinitirhan – isang casa kung saan siya namamasukan bilang kusinera. Papangalanan niya si Rissa na Jenna

Dito na sa casa magdadalaga si Jenna. Mabait at magiliw sa kanya ang mga babaeng nagtatrabaho sa casa. Ang may-ari naman ng casa na si Madam Sandra ay buo ang paniniwala na sa casa rin ang bagsak ni Jenna, bilang bayarang babae.

Kaibigan at kababata ni Jenna si Benjo, isang tricycle driver. Maikukwento niya rito ang pangarap na maging Chef balang araw sa isang Korean restaurant. Isang araw ay magpiprisinta si Jenna na imaneho ang tricycle habang naka-angkas ang kaibigan. Dahil hindi sanay ay makakabangga si Jenna. At ang nabangga nito ay walang iba kundi ang sasakyan nina Violeta at Ivy, na noo’y papunta sa opening ng bagong branch ng restaurant ni Chang Hee sa Bicol. Magkakatarayan at magkakasagutan sila.

DAY 5

Dahil walang pambayad sa napinsalang sasakyan ay tatakbuhan nina Benjo at Jenna sina Violeta at Ivy.

Samantala, si Chang Hee naman ay hindi pa rin kumbinsido na patay na ang kanyang apo. Muli niyang ipapahanap ang apo. Tututulan ito ni Violeta, pero determinado ang matanda sa nais gawin.

Maiipit naman sa isang malaking utang si Josefina. Maghahanap ng paraan si Jenna para may maipambayad. Ngunit kulang pa rin ang perang maiipon niya. Si Josefina naman ay sasagarin ang sarili sa pagtatrabaho. Maaapektuhan tuloy ang kalusugan nito. Lalo silang gigipitin ng pinagkakautangan ni Josefina. Magbabanta pa ito na ipapakulong si Nerissa. Sa bandang huli, mapipilitan si Jenna na pumayag sa alok ni Madam Sandra na sumalang sa casa.

Ang magiging costumer dapat ni Jenna ay isang Koreano, si Joshua. Pero hindi masisikmura ni Jenna na gawin ang napagkasunduan nila ni Madam Sandra.

Nang malaman ito ni Benjo ay agad niyang ibebenta ang tricycle para hindi na ituloy ni Jenna ang balak na ipagbili ang sarili.

Samantala, malalaman ni Jenna na hiring ang Korean restaurant ng idol niyang chef na si Chang Hee. Magpupunta siya rito para mag-apply. Laking gulat niya nang matuklasang ang manager pala ng restaurant ay si Joshua, yung lalake na muntik na nakilala niya sa casa.

Magmamadaling umalis si Jenna bago pa man sila magkaharap ni Joshua. Sa kanyang paglabas ay makakabunggo niya si Chang Hee.

POST