<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Oct 17, 2010

Koreana Highlights - Week 2

Monday (October 18)


Matutuwa si Chang Hee kay Jenna kaya tutulungan niya ito na makapagtrabaho sa Korean Restaurant. Masusurpresa si Joshua nang makilala si Jenna. Tatanggapin niya ito bilang kitchen helper.

Mas makikilala natin si Joshua. Malapit ito kay Chang Hee dahil apo siya ng matalik na kaibigan nito. Business partner din siya ni Chang Hee at manager ng Korean Restaurant.

Magsa-sideline ng pagtitinda ng lutong ulam si Josefina. Habang naghahanda sa kusina ay aksidenteng magkakasunog . Galit na galit si Sandra kay Josefina, sasaktan niya ang mag-ina. Oobligahin niya ang mga ito na bayaran siya.

Sa araw ng graduation ay pagbabawalan ni Sandra si Josefina na pumunta. Labis na malulungkot si Jenna. Pero sa bandang huli ay tatakas pa rin si Josefina upang makita ang pagtatapos ng anak.

Samantala, si Joshua naman ay maho-holdap. Makikita ito ni Benjo.

Pagpasok ni Jenna sa trabaho ay makikilala niya ang kapwa kitchen helper na si Dindi. Agad niya itong makakasundo. Sobrang sungit naman ng head chef na si Mr. Shim, lagi nitong pagagalitan si Jenna.

Bibisita sina Violeta at Ivy sa Korean Restaurant. Laking gulat nila pagkakita kay Jenna.

Koreana Week 1 Highlights



Tuesday (October 19)


Palalayasin nina Violeta at Ivy si Jenna sa Restaurant, pero si Chang Hee na mismo ang magsasabi na bigyan ito ng isa pang pagkakataon.

Tutulungan naman ni Benjo si Joshua laban sa mga holdaper. Bibigyan ni Joshua ng calling card si Benjo, para kung sakaling ito naman ang mangailangan ng tulong.

Pahihirapan naman ni Ivy ang buhay ni Jenna sa Restaurant. Makikita natin na may gusto si Ivy kay Joshua. Boto naman si Violeta sa binata.

Makikilala natin ang kapatid ni Benjo na si Bebeng. Nasa pangangalaga ito ng Tiya Agnes niya. Si Bebeng ang dahilan kaya nagsusumikap si Benjo, para makuha ang kapatid sa poder ng tiyahin. Sasali pa si Benjo sa underground boxing para may maibigay na sustento sa kapatid.

Matutuklasan rin natin na may pagtingin si Benjo kay Jenna, pero hindi niya ito maamin sa dalaga. Hanggang isang araw ay muntikan na silang magkahalikan.


Wednesday (October 20)


Kapwa apektado sina Benjo at Jenna sa naudlot na kiss.
Sina Violeta at Ivy naman ay magiging abala sa pagpaplano ng 70th Birthday ni Chang Hee.

Magkakaayos na sina Jenna at Joshua. Tutuksuhin pa nga ni Dindi si Jenna na may crush ito kay Joshua. Mapapansin rin ito ni Ivy kaya pagbabawalan niya si Jenna na makipaglapit kay Joshua.

Mabubuhay naman ang kagustuhan ni Jenna na hanapin ang kanyang tunay na pamilya. Malalaman pa ni Joshua na half-Korean si Jenna. Magiging dahilan ito para mas lalong magkaroon ng koneksyon ang dalawa.

Sa birthday ni Chang Hee, isang maitim na balak ang isasakatuparan ni Ivy. Lolokohin niya si Jenna, kukumbinsihin na magsalita sa party. Palalabasin ni Ivy na traditional Korean greeting ang ipapabasa kay Jenna, pero ang tunay na meaning pala ay nakaka-eskandalo at medyo bastos. Labis na mapapahiya si Jenna.

Thursday (October 21)


Galit na galit si Joshua sa ginawa ni Jenna. Susubukang magpaliwanag ni Jenna, na napag-utusan lang siya. Pero hindi niya masabi kung sino dahil darating si Jenna. Sa kanyang pag-uwi ay pagtatangkaan pa ng masama si Jenna ng kaibigan ni Joshua na si Stephen. Buti na lang at nandun si Benjo para ipagtanggol ang dalaga.

Determinado si Jenna na linising ang pangalan niya. Si Chang Hee naman ay nais ring marinig ang paliwanag ni Jenna. Dahil sa takot ni Ivy na baka magsumbong si Jenna sa matanda ay gagawa ng paraan si Violeta. Magbabait-baitan si Violeta kay Jenna para wag na itong magsalita.

Ngunit maririnig ni Joshua kay Jenna na si Ivy talaga ang may kasalanan. Galit na galit ang binata sa anak ni Violeta, pagsasabihan na wag na uling gagawin yun kay Jenna.

Si Benjo naman ay labis pa rin ang pag-aalala kay Jenna dahil sa pang-aapi rito nina Ivy at Violeta. Kaya maiisipan niya na mag-apply ng trabaho kay Joshua. Sakto naman na sa pagpunta niya sa Restaurant ay makikita niya sina Joshua at Jenna in a compromising situation.


Friday (October 22)


Magseselos si Benjo. Pero palalakasin ng kaibigang si Oweng ang loob ng binata, kukumbinsihin ito na ipaglaban si Jenna. Kaya itutuloy ni Benjo ang pag-aapply kay Joshua.

Samantala, magkakaroon naman ng lead si Chang Hee tungkol sa kinaroroonan ng nawawalang apo. Pupuntahan niya pa ito sa Bicol. Ngunit mabibigo si Chang Hee. Palpak ang impormasyong nakuha nila. Yun pala ay namanipula na ni Violeta ang private investigator ni Chang Hee at binayaran upang i-fake ang impormasyon.

Isang araw, sa Restaurant, ay kakausapin ni Chang Hee si Jenna tungkol sa pagluluto. Liliparin ang litrato ng batang Jenna at Josefina mula sa bag ni Jenna. Mapupunta iyon sa harapan mismo ni Chang-Hee-- pero naka-face down ang picture. Marahang dadamputin ni Chang-Hee ang picture. Akmang titingnan ni Chang Hee!

Koreana Week 1 Highlights

POST