<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Oct 17, 2010

Beauty Queen Pilot Week Plot Summaries – October 18 to 22

Monday (October 18)

Mahigpit ang laban nila Leavida Acuesta at Amparo Matias para sa para sa korona ng Bb. Isla Pilipinas. Matapos ang makapigil hiningang final question ay tinanghal na panalo si Amparo Matias.

Imbis na saya ang mamayani kay Amparo ay lulunurin siya ng isang masaklap na alaala ng isang lalaking nanghalay sa kanya the night before the pageant. Akala ng mga tao ay lumuluha si Amparo sa kasiyahan while doing her victory walk, pero wala silang ideya na ang bagong Bb. Isla Pilipinas ay biktima ng panggagahasa.

Dahil sa iskandalong kinasangkutan ni Amparo ay nadethrone siya bilang Bb. Isla Pilipinas.

Sisisihin ni Amparo ang sarili sa sinapit ng ina. Pagbubuntungan din niya ang dindalang sanggol sa kanyang sinapupunan. Sa mabigat na pinagdadaanan ni Amparo ay hindi umalis sa kanyang tabi si Mando.

Matapos ang ilang buwan ay isinilang na ni Amparo ang isang batang babae na pinangalanan niyang Maita. Akala ng magkapatid na sila Mando at Anya ay magbabago ang buhay ni Amparo matapos nitong manganak pero abot langit pa rin ang galit niya lalo na sa bata.

Lumipas pa ang ilang taon at nanatiling mahirap ang buhay ni Amparo. Sa paglaki ni Maita ay papangarapin niya na maging isang beauty queen tulad ng ina subalit imbes na matuwa si Amparo ay ipapahiya at sasaktan pa ang kawawang si Maita.

Malululong si Amparo sa alak. Ito ang kanyang paraan upang kalimutan ang masama niyang nakaraan. Isang gabi ay susuray-suray siyang maglalakad sa kalye at malalagay sa panganib. Bago pa man masagasaan si Amparo ay itutulak siya ni Maita at ang bata ang mapupuruhan.

View Photo Gallery here


Tuesday (October 19)

Itatakbo si Maita sa ospital. Malalaman ni Mando na niligtas ni Maita si Amparo kaya siya nasagasaan. Sa una ay wala pang kamalay-malay si Amparo sa nangyari kaya’t sinisi pa si Maita sa kinahinatnan niya. Lalambot ng kaunti ang puso ni Amparo sa kanyang anak.

Magkakaroon ng isang bagong kaibigan ni Maita sa katauhan ni Rebecca. Isang batang halos ka-edad din niya at may pangarap ding maging isang beauty queen balang araw. Hindi alam ni Maita, anak si Rebecca ng babaeng karibal ng kanyang ina, walang iba kundi si Leavida.

Nagbakasyon ang pamilya nila Leavida at Virgilio sa parehong probinsya na kinaroroonan nila Amparo. Kasama nila ang dalawang anak na sila Rebecca, ang mas paboritong anak ni Leavida at si Dorcas.

Isang beauty pageant para sa mga bata ang gaganapin sa bayan. Nais ni Anya na isali si Maita sa kontes na ito subalit wala silang planong sabihin ito kay Amparo dahil sa posibilidad na hindi payagan ang anak. Hindi naman papahuli si Leavida na isabak ang anak na si Rebecca sa parehong kumpetisyon. Magkakaharap na nga ang mga anak ng dating magkaribal na beauty queens na sila Leavida at Amparo.

Walang uurong kina Leavida at Anya kahit sila Rebecca at Maita naman ang maglalaban para sa LITTLE MISS PRINSESA NG BAGONG WAWA. Sa gabi ng kumpetisyon ay handang handa na sila Rebecca at Maita. Parehong magaling ang dalawang bata. Iaalay ni Maita ang kanyang awit sa kay Amparo. Bago pa man matapos ang awitin niya ay maririnig nga siya ni Amparo, saksi ang buong Bagong Wawa ay pabababain ni Amparo si Maita sa entablado!


Wednesday (October 20)

Galit na galit si Amparo sa pagsali ni Maita sa Little Ms. Prinsesa ng Bagong Wawa habang tuwang-tuwa naman si Leavida sa pagkapanalo ni Rebecca. Pahiya naman si Maita sa page-eskandalo ng ina niya kahit ginawa niya lang ito para mapansin ni Amparo. Maglalayas ang batang Maita dahil na din sa sama ng loob sa nangyari.

Alala si Mando kay Maita kaya’t hahanapin niya ang anak-anakan. Sa kanyang paghahanap ay isang aksidente ang masasalubong niya. Isang lalaki naman ang makakakita sa batang Maita na malungkot na naglalakad at nag-iisa sa kalsada, walang iba kundi si Virgilio. Dahil na din sa pag-aalala sa bata ay ihahatid ni Virgilio si Maita. Sa daan pauwi ay makikita nila ang isang pamilyar na lalaki, duguan sa saksak at nakahandusay sa kalsada, si Mando.

Lalong magagalit si Amparo kay Maita dahil sisisihin niya ang bata sa pagkamatay ni Mando. Malungkot naman si Maita sa pagkawala ng kanyang ama, pakiramdam niya na siya nga ang may kasalanan sa trahedya.

Sa kalungkutan ni Maita ay aaluin siya ng kaibigang si Rebecca. Malalaman ni Leavida na tuloy ang pakikipagkaibigan ng anak kay Maita dahil sa sumbong ni Dorcas. Hindi niya hahayaang maging malapit pa ang dalawa sa isa’t isa kaya aalis sila ng Bagong Wawa. Malungkot naman si Maita sa paghihiwalay nila ng matalik niyang kaibigang si Rebecca.

Lilipas ang panahon at magdadalaga na si Maita na walang ama, malayo sa nagmamahal sa kanyang tiyuhin na si Anya at hiwalay sa kaibigang si Rebecca gayundin ay hindi nagbago ang pakikitungo ng ina niyang malalim pa rin ang galit sa kanya.


Thursday (October 21)

Nagtrabaho si Maita sa Palengke upang itaguyod ang buhay nila ng kaniyang ina. Nalulong naman sa alak si Amparo kaya naging mas matindi rin ang pananakit niya kay Maita. Sa kabila ng pagmamalupit ni Amparo ay hindi pa rin sumusuko si Maita na isang araw ay mamahalin siya ng ina.

Sa lahat ng paghihirap ni Maita ay hindi siya iniwanan ng kababata niyang si Dante na tila may lihim na pagmamahal sa kanya. Kahit paano ay kinagagaan ng pasanin ni Maita ang pagtulong ng mga taong malapit sa kanya. Kaya’t maiibsan kahit paano ang hirap ni Maita sa pagbabalik ng pinakamamahal niyang tiyuhin na si Anya.

Muli ding magkukrus ng landas si Maita at ang kababata niyang si Rebecca. Ibang-iba na ang kaibigan niya, maganda, sexy at mukhang beauty queen samantalang si Maita ay reyna ng palengke. Sa pagbabalik ng pamilya ni Rebecca sa Bagong Wawa ay muli din silang magkakaharap ng katarayan noon si Anya.

Hanggang ngayon ay hinihiling pa din nila Maita at Rebecca ang pagbabati ng kanilang mga magulang. Ang hindi nila alam ay muli na ring nagtagpo sila Amparo at Leavida.


Friday (October 22)

Nagkapang-abot nga ang nga dating beauty queen na sila Leavida at Amparo. Sa harap ng madla ay ipapahiya ni Leavida si Amparo exposing her secret na nadethrone siya dahil nabuntis sa kanyang reign. Madali nga itong makakarating kay Maita at gulat siya sa balita.

Sa wakas ay malalaman ni Maita ang dahilan kung bakit galit na galit sa kanya ang kanyang ina. Pakiramdam ni Maita ay wala ng pag-asa na magbago ang lahat sa kanila ni Amparo kaya’t iisipin niyang lumayas at lumayo na lang sa kaniyang ina.

Samantala, isang lalaki ang darating sa Bagong Wawa na ikinatuwa ni Rebecca. Si Marc Sandoval, gwapong photographer at anak mayaman. Isa siya sa mga judge sa beauty contest na sinalihan ni Rebecca at malaki ang gusto ng beauty queen kay Marc.

While Marc is driving his way sa Bagong wawa, isang magandang tanawin at magandang babae ang makakapukaw sa kanya. Using his camera ay kukunan niya si Maita and he will be captivated by her lonely but beautiful face. Susubukang kunin ni Marc ang pangalan ni Maita pero hindi siya nito papansinin.

Maaabutan naman ni Dante si Maita bago pa ito makasakay ng bus. Hindi matutuloy na umalis si Maita matapos ibalita ni Dante na naospital si Amparo.

Mangangailangan ng pera si Maita para sa gastusin ni Amparo sa ospital. Isanng beauty contest sa palengke na may malaking papremyo naman ang magaganap. Para sa ina ay, aasali si Maita sa patimpalak na Ms. Palengke.


POST