<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Oct 27, 2010

Bantatay Week 6 Highlights - October 28 to November 3

October 28 (Thursday)

Hindi inabutan ni Emily ang mga kapatid sa ampunan—pero sa kanyang pagbalik doon, siya naman ang muntikang mahuli nina Daisy! Pero hindi magpapatalo si Emily, gagawin niya ang lahat para mahanap at mabawi ang mga kapatid, para mabuong muli ang pamilya nila.

Nabuhayan naman ng loob si Junix nang makita ang Ate Emily niya na bumalik sa ampunan. Ang kaso lang ay naampon na siya, at dinala na siya sa isang rancho kung saan magiging taga-silbi siya at ang mga kasama niyang inampon.

Samantala, magiging maganda naman ang buhay ni Farrah sa mga kamay ni Madel—at para mabawasan ang lungkot ng bata, mag-uuwi si Madel ng isang aso para maging kaibigan ng ampon: si Sweet!

At may lalapit kay Joanna para humingi ng tulong sa paghahanap sa mga anak. Ang pangalan niya? Marcela. May reunion na bang magaganap sa episode na ito ng Bantatay?

Bantatay Week 5 Highlights

October 29 (Friday)

Sa pagaakalang isinuko na siya ni Joanna, magdedesisyon si Emily na hindi na babalik sa poder ni Joanna. Ngunit kailangan pa rin niya ng tulong para malaman kung saan napunta ang mga kapatid niya—tulong na matatagpuan niya kina Artie at Len-Len.

Patuloy naman ang paghihirap ni Junix sa Rancho ni Kanor—at ngayon, pinag-aalaga pa siya nito ng hindi makontrol na kabayo!

At si Farrah, makukuha ang nais nang pumayag si Madel na ampunin rin si Junix mula sa ampunan. Pero may ibang kapatid si Farrah na naroon. Habang kausap nina Madel si Madame Alma ay nasa labas lang sina Emily at naghihintay ng pagkakataon na makuha ang files ng mga kapatid!

Magkikita na ba sina Emily at Farrah?


November 1 (Monday)

Hindi nagkita sina Emily at Farrah sa ampunan, pero nalaman ni Emily na nagabot sila doon! Lalong itutulak ni Emily ang sarili sa paghahanap sa kapatid. At salamat sa tulong nina Artie, Len-Len at Deedee, makukuha ni Emily ang file kung saan nakasulat ang kinaroroonan ni Junix!

Unti-unting napapalapit ang loob ni Junix sa kabayong si Tadyak; hindi niya alam na balak na ni Kanor ipapatay ang hayop!

Dadalhin ni Norbert si Joanna sa ospital para ipatingin ang kanyang mga mata—papayag si Joanna na mapa-opera ang mga mata para tumulong na mahanap sina Emily at ang mg kapatid nito.

At habang tinutulungan ni Sweet the Pug si Farrah na mahanap sina Bantay, masugid ring hinahanap ni Bernard ang mga anak. Muntikan nang magkasalubong sina Sweet at Bantay, pero may ibang makakakita kay Bernard!


November 2 (Tuesday)


Ang akala ni Bernard, may makakatulong na siya sa pakikipag-usap sa mga anak—ngunit hindi pa rin pala niya mahahanap at makakausap ang mga ito. Dahil ang Seer na nakakita sa kanya ay naging biktima ng ligaw na bala!

Malalaman ni Joanna na may pag-asa pa siyang makakitang muli—at hinihintay na lang ng doctor niya na ma-check ang na-donate na mga mata kung puwede pa itong magamit. Makakakita na si Joanna!

Bibiyahe sina Emily, Artie at Len-Len patungong probinsya para mahanap ang umampon kay Junix. Pero sa isang rest stop, maiiwan sila ng bus na sinasakyan nila! Buti na lang may matandang tutulong sa kanila—pero sa anong kapalit?

Samantala, madidiskubre ni Junix ang balak nina Kanor na patayin si Tadyak—ang tutulungan ng bata na makatakas ang kabayo! Pero dahil sa ginawa niya, siya pa ang mapapahamak sa umampon sa kanya! At unti-unti namang makikilala ni Farrah ng lubos ang babaeng umampon sa kanya.


November 3 (Wednesday)


Magkakaroon ng bagong kaibigan sina Emily sa katauhan ni Tandang Sita, pero hindi pa tapos ang misyon niyang hanapin ang kapatid na si Junix. Sa tulong ni Tandang Sita, mararating rin niya ang rancho ni Kanor—kung saan kasalukuyang pinahihirapan si Junix!

Samantala, mapapadpad si Farrah sa isang parte ng bahay ni Madel na hindi pa niya napupuntahan—at makakita siya ng mala-altar na puwesto kung saan marami siyang litrato!

Matapos tumulong sa isang asong nangangailangan, gusto nang bumalik ni Bernard sa paghahanap sa mga anak niya—pero laking gulat niya nang madiskubre niya ang pila ng mga hayop na naghihintay ng kanyang tulong at payo!

Tapos na ang operasyon ni Joanna, at makakakita na ito! Pero ang unang niya makikita ng malinaw ay hindi si Norbert na siyang gumagawa ng lahat para sa kanya—kundi ang medyo spoiled na anak ni Simon na si Calvin! At love-at-first-sight pa ang drama ni Joanna!

At kabado naman si Clarita na nanunumbalik na ang mga alaala ni Marcela. Sa kagustuhang hindi na iwan nang anak muli, papayag si Clarita sa balak ni Simon na taasan ang dosage ng gamot na ipinaiinom kay Marcela!

Bantatay Week 5 Highlights

POST