<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Oct 18, 2010

BANTATAY HIGHLIGHTS WEEK 5 – OCTOBER 20 TO 26

Wednesday (October 20)

Nagtagpo muli ang landas nina Joanna at Bantay, at sa pagkakataong ito, hindi na hahayaan ni Joanna na mawalay pang muli sa kanyang alaga. At dahil mapapatunayan nito na siya ang tunay na may-ari kay Bantay, hahayaan nina Emily at Junix na kunin ni Joanna ang aso—labag man ito sa kanilang kalooban.

Pero sa pagbagsak ng ulan, hindi maiwasan ni Joanna na maawa sa dalawang bata. Lalo pa't nalaman niyang wala na itong mapupuntahan. Kaya naman babalikan ito ni Joanna para tulungan.

Samantala, mapapadpad si Farrah sa bahay nina Lenlen kung saan makakabangga niya ang mga magulang ng batang jejemon. At nagsimula na ang paghahanap nina Bruno at Baldo sa mga bata at sa nawawalang lotto ticket!

Bantatay Highlights Week 4


Thursday (October 21)

Magkikita-kita na sina Emily, Junix at Farrah sa presinto! Pero hindi papayag ang mga pulis na palayain ang mga bata ng walang magulang o guardian! Buti na lang at agad na magpapanggap si Joanna na guardian nila Emily.

Dadalhin ni Joanna ang mga bata sa pet shop at patutuluyin muna sa backroom nito. Ingat ang mga kaibigan ni Joanna, lalo pa't ayaw ng tiyuhin nitong si Rigor sa mga bata. Maayos na sana ang sitwasyon nilang lahat, pero may isang kontrabidang parrot na lagi silang ibubuko kay Rigor!

Samantala, patuloy naman ang paghahanap nina Bruno at Baldo sa mga bata. Sa isa sa mga lakad ni Joanna kasama ang mga bata, makikita sila ng dalawa at hahabulin! Mahuhuli na ba ang mga bata?


Friday (October 22)

Nakulong sina Emily, Junix at Farrah sa loob ng freezer! Pero agad naman silang maililigtas nina Joanna at Norbert sa tulong ni Bantay. Pero dahil nakita na nina Baldo at Bruno ang mga bata sa lugar na iyon, magkaka-ideya na si Daisy na malapit lang doon nagtatago ang mga bata.

Sa pet store, habang tinutulungan nina Emily si Joanna maglinis, madidiskubre nila ang mga endangered Philippine Warty Pigs na ibebenta nang ilegal ni Rigor! At dahil sa kanilang pagdiskubre nito, hindi nila agad mapapansin na nagbalik na ang tiyuhin ni Joanna—at mahuhuli na sina Emily sa loob ng pet store!

Makukulong sa back room sina Joanna, pero gagawa ng paraan sina Norbert at Artie para makatakas ang mga ito. At sa mga panahong iyon, matutunton na rin nina Daisy na nagtatago sina Emily sa pet store ni Rigor!

May lusot pa bang mahahanap sina Emily?


Monday (October 25)

Iiwan na nina Joanna at ng mga bata ang pet store ni Rigor, pero ngayon panibagong problema na naman ang kakaharapin nila: wala na silang matutuluyan, at wala na rin silang pambili ng pagkain. Magsusubok si Joanna na makahanap ng pagkakakitaan, pero walang may gustong kumuha sa isang bulag.

Nang si Emily ang sumubok mamasukan, may maaawa sa kanya at kukunin siyang taga-hugas ng pinggan. Pero ang perang kikitain niya, gagamitin ni Junix sa pagsugal!

Samantala, babalik si Frankie sa bahay nina Bernard para kamustahin ang mga bata. Pero ang makikita lang niya ay sina Daisy na ibinebenta na ang mga gamit sa loob ng bahay!

Si Bernard naman, dahil hindi matanggap na walang magawa para sa mga anak, ay tatakbo para mapag-isa. At sa kanyang pagtakbo, may mahahanap siyang tao na hindi niya akalaing makikita niya!


Tuesday (October 26)

Susubukan ni Bernard habulin si Marcela, pero hindi siya mapapansin nito. Pero hindi na mapakali si Bernard. Ngayong alam na niyang buhay si Marcela, gagawin niya ang lahat para magtagpo ang mga landas ng asawa at ng kanyang mga anak.

Kukunin ni Bernard ang isang litrato ni Marcela para gamitin sa paghahanap sa kanya. Pero mata-trap si Bernard sa isang basurahan! Buti na lang ang dadating ang mga asong-gala para tulungan siya! Kakausapin siya ng mga ito at tatanungin kung wala na bang ibang makatutulong sa mga anak niya—at may maaalalang isang tao si Bernard!

Pero sa pagbabalik ni Bernard, biglang hihimatayin si Farrah—inaapoy sa lagnat! Magdedesisyon si Bernard dalhin ang mga ito sa biyenan niyang si Clarita! Pero makikilala ba sila ng matanda?

** Special Guest Stars: the Ateneo Blue Eagles, and the voices of Gladys Guevarra, Jaya, John Lapus and Mura!

Bantatay Highlights Week 4

POST