<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Sep 15, 2010

The Top Love Teams of Philippine Cinema

LOVE MAKES the world go round kaya naman hindi katakatakang palasak ang love teams sa local cinema mula pa man noong 1940s hanggang sa ngayon. So far, ang most popular tandems na kung ilang ulit nagkasama sa mga pelikulang sinuportahan talaga ng tao ay ang mga sumusunod:

CARMEN ROSALES AT ROGELIO DE LA ROSA - Para sa movie fans noong Dekada 40 at 50, hindi na ipagtatanong pa kung sina Mameng at Roger, as their admirers familiarly call them. Nakasabay nila noon ang tambalan din nina Rosa del Rosario at Leopoldo Salcedo, na ang mga pelikulang "Bakya Mo, Neneng" at "Kundiman ng Luha" (both directed by Consuelo "Ateng" Osorio) at ang historical film na "Tandang Sora" (directed by National Artist Lamberto Avellana) ay pawang kumita, ngunit walang alinlangang mas tinangkilik sina Roger at Mameng ng publiko. Ilan sa mga pelikula nilang kumita ay ang pre-World War II movies na "Takipsilim" (1939), Jazmin (1940) at "Diwa ng Awit" (dinirek ni Manuel Silos noonng 1940). Noong magsimula ang giyera, ginawa nila ang "Panambitan" at "Pagsuyo" (both 1941). After the war, ginawa nila ang "Camelia" (1949, local version ng "Camille" directed by Gregorio Fernandez, ama ni Rudy or Daboy) at ang big big hit of 1949 na "Kampanang Ginto" for LVN Pictures na mula kay writer-director Nemesio Caravana. Nagpatuloy sila sa pagiging magkatambal sa Sampaguita Pictures in the 1950s sa mga pelikulang "Maalaala Mo Kaya" (1954), "Ang Tangi Kong Pag-ibig" (1955, directed by Mar S. Torres), "Iyong-Iyo" (1955), at "Lydia" (1956, directed by Armando Garces kunsaan introducing si Luis Gonzales). Ang mga pelikula nila ay lipos ng awitan (sila ang parehang sinasabing laging kumakanta sa ilalim ng puno) at naging immortal classics ang title songs nilang "Tangi Kong Pag-ibig" at "Maalaala Mo Kaya".


NIDA BLANCA AT NESTOR DE VILLA - Ang love team nila ang maituturing na top love team ng 1950s. Kilala sila sa kanilang romantic-comedies na may halong musical sequences. Kapwa sila contract stars ng LVN Pictures na isa sa top three movie companies nang panahong iyon, the other two being Sampaguita Pictures and Premiere Productions. Si Nida ay unang nakilala on her own sa "Korea", a war movie based on the exploits of the late Ninoy Aquino as a journalist in the Korean War. Nida played a Korean girl and won the 1952 FAMAS best supporting actress award. Una silang pinagsama sa costume flick na "Haring Solomon at Reyna Sheba" ni Lamberto Avellana in 1952, bilang suporta sa title rolers na sina Jaime de la Rosa at Mila del Sol. Tapos ay pinagsolo na sila sa comedy na "Tumbalik na Daigdig" (1953), suportado ng komedyanteng si Pugo at ang role reversals ang ginagmpanan nila na naging girl si Nestor at boy si Nida. Naging big hit ito kaya sinundan ito ng sunod-sunod na pagbibida ng kanilang love team sa mga pelikulang "Hiyasmin", "Waray-Waray", "Ganyan Ka Pala", "Handang Matodas", "Easy Ka Lang, Padre", at ang taunang anniversary presentations ng LVN Pictures na laging in full Eastman color (na bihira lang that time na puro black and white pa ang mga pelikula): "Ikaw Kasi" (1955 - napanood namin ito habang sinu-shooting sa loob ng LVN Studios sa P. Tuason dahil nag-educational field trip ang aming klase roon), "Bahala Na" (1956) at ""Tingnan Natin" (1957). Lahat ng color movies na ito ay directed by Manuel Conde na nang ma-interview namin ay sinabing ang mga titulo ay galing sa actual expressions nila ng mga artista niya. Halimbawa, nang tanunging daw siya ng producer nilang si Donya Sisang kung ano ang magiging titulo ng movie nila noong 1957, sabi niya ay: "Tingnan Natin." At yun na nga ang naging titulo ng pelikula. Sayang at wala na ngang existing copies ng mga pelikulang ito dahil nasisira raw agad ang mga negatibo ng color movies noon. Isa sa movies na ginawa nina Nida at Nestor na nagustuhan namin ay ang "Naku, Yabang!", dinirek ni Felicing Constantino. Pareho silang na-nominate sa roles nila rito that required them to be 80 years old. Love story ito na nag-start noong mga bata pa sila, hindi sila nagkatuluyan, pero nag-meet uli noong matatanda na sila. They play younger versions of themselves bilang kanilang mga apo. The Nida-Nestor love team became so popular na nagkaroon pa sila ng sariling TV program, ang "The Nida-Nestor Show", that ran for several years. Maging noong nagkaedad na sila ay patuloy sila sa paggawa ng movies together tulad sa "Forgive and Forget" na anak nila si Sharon Cuneta at sa "Saan Darating ang Umaga" na anak naman nila si Maricel Soriano. Nida had a tragic death when she was murdered seven years ago and it's a pity na never na-solve ang krimeng ito. Nestor passed away after a terminal illness. But the memory of their love team may continue to be enjoyed in the existing copies of the movies they have done together.

GLORIA ROMERO AT LUIS GONZALES - Sila naman ang nangungunang tambalan sa Sampaguita Pictures at marami rin silang ginawang pelikula. Pero bago naipareha si Gloria kay Luis, naging katambal niya ang iba pang aktor, tulad ni Ramon Revilla sa "Bim Bam Bum" at "Mr. Kasintahan" at si Ric Rodrigo sa "Kurdapya", "Mariposa", "Beloved", "Hindi Basta-Basta", at "Pilya" (kung saan second lead pa lang si Luis). Pero si Ramon ay umalis ng Sampaguita at eventually ay nakilala as an action star sa "Nardong Putik" while si Ric naman ay napangasawa si Rita Gomez. Nagsimula silang maging magkapareha sa "Chabacano" (1956) at sinundan ito ng "Bakasionista" (1956) at "Colegiala" (1957). Isang di malilimutang romantic drama nila na hindi malilimutan ay ang "Ikaw ang Aking Buhay" (1959), where Luis played dual roles bilang kambal na magkapatid. Naging magkasama rin sila sa "Salamat Po, Doktor" 1960), "Lupa sa Lupa" (1960), "Anong Ganda Mo" (1967) at ang film biographies nina Ferdinand Marcos at Imelda Marcos na "Iginuhit ng Tadhana" (1965) at "Pinagbuklod ng Langit" (1969). Akala ng kanilang fans ay sila ang magkakatuluyan. Ngunit ang talagang napusuan ni Gloria ay si Juancho Gutierrez, na ipinakilala sa isang movie niya, "Prince Charming", as Mr. Number One. Ang naging ka-love team noon ni Juancho ay si Amalia Fuentes, na nahirang namang Miss Number One sa star search para sa pelikulang "Hindi Basta-Basta" na si Gloria rin ang bida. Ikinasal si Gloria kay Juancho noong 1960 at nagkahiwalay sila noong 1969. Pero muli silang nagsama and Gloria took good care of Juancho until he passed away after a debilitating stroke. Kahit kasal na sila ni Juancho, patuloy siyang gumawa ng movies with Luis na tinangkilik pa rin ng publiko.

AMALIA FUENTES AT ROMEO VASQUEZ - Ang kanilang love team sa Sampaguita Pictures ang isa sa pinakasikat noong 1960s. Pero si Amalia ay unang ipinareha kay Juancho Gutierrez na halos kasabay niyang natuklasan noong 1955. They were initially billed as Mr. and Miss Number One at binigyan lang sila ng kanilang sariling screen names when their love team was launched solo in "Inang Mahal". Nagkasama sila ni Romeo sa "Pretty Boy" (1957) at ginawa nila ang isa sa most memorable movies nila noong 1958, "Ako ang Maysala", directed by Armando Garces at nagpanalo kay Romeo (then called as Bobby dahil ang real name nito ay Roberto Sumilang) ng best actor award sa Asian Film Festival. Role ng isang teenager na naka-hit and run victim ang ginampanan niya and felt so guilty about it. Ilan pang pelikulang pinagsamahan nila sa Sampaguita Pictures ay ang "Bobby" (1958), "Ipinagbili ko ang Aking Anak" at "Baby Face" (both 1959), at "Floradema, Bilanggong Birhen" (1960). Sa puntong ito ay nagrebelde si Romeo sa Sampaguita at lumipat sa Tagalog Ilang-Ilang Productions kung saan isinama siya kina Fernando Poe, Jr. at Joseph Estrada in "Mga Tigreng Tagabukid" and "Suicide Commandos". Noong 1963, naging kontrobersiyal ang paglisan ni Amalia sa Sampaguita at nakipagtambal siya kay Romeo sa pelikula ng Tagalog Ilang-Ilang na "Ako'y Iyong Iyo", the big blockbuster of 1963. Sinundan ito ng more movies nila together sa ilalim ng Tagalog Ilang-Ilang, tulad ng "Sa Muling Pagkikita" at "Ang Mahal Ko'y Ikaw" (parehong 1963), at "Kung Kita'y Kapiling" (1964). By this time, ikinasal na sila at naging anak nila si Liezl Sumilang na ngayon ay married na kay Albert Martinez with three kids. Hindi nagtagal ang pagsasama nina Amalia at Bobby. Nauna na palang ikasal si Romeo sa ibang babae kaya null and void ang wedding nila. Nag-abroad si Romeo sa America pero nang magbalikbayan ito later at gawin nila ang "Puede Ako, Puede Ka Pa Ba?" sa direction ni Elwood Perez, naging big big hit din iyon. Sa ngayon ay kapwa retirado na sila sa showbiz, pero si Amalia ay in the news again some months ago nang makipaghiwalay siya sa second husband niyang si Joey Stevens na kanyang idinemanda ng concubinage.

SUSAN ROCES AT EDDIE GUTIERREZ - Taga-Sampaguita Pictures din sila at namayani rin noong 1960s. Si Susan ay una munang ipinareha with the likes of Romeo Vasquez and Jose Mari, pero kay Eddie siya gumawa ng mas maraming pelikula. Si Eddie ay introducing lang sa mga pelikula ni Susan na iba ang kapareha nito, tulad ng "Prinsesa Gusgusin" with Romeo Vasquez at "Mga Anghel sa Lansangan" with Jose Mari. Nang mawala sina Romeo at Jose sa Sampaguita, doon nga siya itinambal kay Eddie at agad namang tinanggap ng publiko ang love team nila sa "Joey, Eddie and Lito" (1961), "Susanang Daldal" (1962), "Dance O Rama" (1963), "Susanang Twist" (1963), "Dolly Sisters" (1964), "Leron Leron Sinta" (1964), "Ang Maganda Kong Kapitbahay" (1965), "Portrait of My Love" (1965), "Romansa sa World's Fair" (1965, kinunan on location sa World's Fair sa Seattle, U.S.A.), "Anong Ganda Mo" (1966), "Ang Pangarap Ko'y Ikaw" (1967), at "The Big Broadcast" (1967). By this time ay pumareha na si Susan kay Fernando Poe, Jr. sa "Daigdig Ko'y Ikaw" at talagang nagkagustuhan sila at eventually ay naging mag-asawa. Si Eddie naman ay napangasawa si Annabelle Rama at nagkaroon sila ng mga anak na gaya nina Ruffa, Richard, Raymond and Elvis na ngayon ay pawang aktibo na rin sa showbiz.

NORA AUNOR AT TIRSO CRUZ III - Mas kilala bilang Guy and Pip, ang love team nila ang itinuturing na siyang pinakamainit at popular sa kasaysayan ng pelikulang lokal. Hindi si Pip ang unang nakapareha ni Ate Guy kundi si Manny de Leon at ang nasirang Eddie Peregrina. Pero nang ipareha siya kay Pip, doon lalong sumikat si Ate Guy. Pagkatapos siyang sumikat sa pagwawagi niya sa "Tawag ng Tanghalan", kinuha si Ate Guy ng Sampaguita Pictures at naging suporta siya musicals na gaya ng "All Over the World" at "Sitting in the Park" (both 1967). at sa romance movies na bida ang ibang stars ng Sampaguita, like "Pangarap Ko'y Ikaw" (1967), "Pogi" (1967) at "May Tampuhan Paminsan-minsan" (1968).

Ang Tower Productions ni late Director Artemio Marquez ang nagbigay ng break sa kanya as lead star in movies like "Ana Victoria", "Hey There, Lonely Girl, "Around Asia with Nora", "Darling Nora", "The Golden Voice", "Young at Heart", "I Dreamof Nora", "Nora, Mahal Kita", "Munting Santa" at "Nora in Wonderland" (na pawang ginawa noong 1970 at mga pinagdugtong-dugtong lang na song numbers ni Ate Guy with the flimsiest of stories.) Una silang nagkasama ni Tirso Cruz III sa "D' Musical Teenage Idols" (1969) at nag-click ang tambalan nila kaya pinagsamal sila sa "Orang" ng Sampaguita Pictures (1970) at sa "Young Love" (1970) kung saan nakasama nila ang isa pang hot young love team of that era, sina Vilma Santos at Edgar Mortiz. Naging sunod-sunod ang pagtatambal nila ni Tirso Cruz III at nakilala sila bilang the Guy and Pip love team sa mga pelikulang "Fiesta Extravaganza" (1971), "Always in My Heart" (1971), "Guy and Pip" (1971), "Winter Holiday" (filmed in Japan, 1972), "Teenage Jamboree" (1972), "My Little Brown Girl" (1972), "My Blue Hawaii" (1972), "Kung May Gusot May Lusot" (1972), "A Gift of Love" (1972), "And God Smiled at Me" (1972, Based on a komiks novel na nagpanalo kay Ate Guy ng kanyang first best actress award sa QC Filmfest), "Tapat na Pag-ibig" (1973), "Hindi Kita Malimot" (1973), "Maalaala Mo Kaya" (1973), "Binibini ng Palengke" (1973). Their love team became so popular that ikinasal pa sila ng kanilang diehard fans at binigyan sila ng kanilang sariling manika na anak daw nila at tinawag na Maria Leonora Teresa, for whom Tirso recorded a song of the same title. Pero nagsolo si Nora nang itatag niya ang sarili niyang kumpanyang NV Productions (for Nora Villamayor, her real name) and produced movies na naglalayong magbigay sa kanya ng prestige as an actress, tulad ng "Paruparong Itim" (1973) na batay sa award-winning play and film na "The Miracle Worker" with her playing the Helen Keller role na bulag siya at bingi, "Carmela" (1973) na isang suspense-thriller she did with the late Jay Ilagan. Pumareha rin siya sa ibang aktor tulad ni Victor Wood sa "As Long As There's Music" at Victor Laurel in "Lollipops and Roses". In 1975, napareha siya in "Banaue" for the first time kay Christopher de Leon, na during the previous year ay sumikat sa "Tinimbang Ka Ngunit Kulang" ng nasirang Lino Brocka. Marami silang ginulat ng bigla silang magpakasal sa beach. Hindi rin nagtagal ang pagsasama nila at si Boyet ay mas tinanggap bilang kapareha ni Vilma. In 1976, pinagpareha sila uli ni Tirso ng Premiere Productions sa ghost story na "Magandang Gabi sa Inyong Lahat, directed by Lupita Aquino-Concio, and it did well at the tills. Since then, every now and then ay nagkakapareha pa rin sina Nora at Tirso at lagi pa ring kumikita ang movies nila together, tulad ng "Sapin-Sapin, Patong-Patong" (1977), "Kung Ako'y Iiwan Mo" (1980), "I Can't Stop Loving You" (1982), "Till We Meet Again" (1985), at "Bilangin ang Bituin sa Langit" (1989, for which they won both best actor and best actress awards). Sa ngayong pareho na silang in their mid-50's, si Tirso ay naging maayos ang buhay sa piling ng misis niyang si Lyn Ynchausti. As for Ate Guy, bukod sa tunay na anak niyang si Ian de Leon, nag-ampon siya ng maraming bata tulad nina Lotlot de Leon (maagang nag-asawa at ngayon ay hiwalay na), Matet de Leon, at Kenneth at Kiko, na ni hindi niya nagawang mapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo. Recently, nabunyag ang kanyang pagkakaroon ng same sex marriage sa Las Vegas sa manager niyang miembro ng third sex. Naaaresto din siya sa L.A. dahil sa drug charges, buti na lamang at naabsuwelto rin siya.

VILMA SANTOS AT EDGAR MORTIZ, CHRISTOPHER DE LEON - Si Edgar Mortiz ang unang nakapareha ni Vilma Santos as a teen star. Nakilala sila as the "Subok na Matibay, Subok na Matatag" loveteam called Vi and Bot at naging magka-steady sila sa tunay na buhay. Marami silang ginawang pelikula as teen stars in the early 70s tulad ng "Love is for the Two of Us" (1970, suporta pa sila kina Helen Gamboa at Ricky Belmonte), "Edgar Loves Vilma" (1970), "My Pledge of Love" (1970), "Vilma My Darling" (1970), "Sweethearts" (1970), "Mga Batang Bangketa" 1970), "Baby Vi" (1970), "Because You're Mine" (1970), "The Young Idols" (1970), "Love Letters" (1970), "I Love You, Honey" (1970), "From the Bottom of My Heart" (1970, also with Victor Wood), "Renee Rose" (1970, our favorite Vi and Bot movie), "Young Love" (with the Guy and Pip love team), "D'Sensations" (1971, based sa kanilang hit ABS-CBN show),"My Love at First Sight" (1971), "Eternally" (1971), "Young Lovers" (1971, filmed on location in various cities of our country), "Angelica" (1971), "Our Love Affair" (1971), "Dama de Noche" (1972, Vi played a dual role and won her first FAMAS best actress award), "Aloha My Love" (1972, filmed in Hawaii), "Dont Ever Say Goodbye" (1972, filmed in California), "Remembrance" (1972), "Dulce Corazon" (1972), "Now and Forever" (1973, directed by Ishmael Bernal), "Anak ng Aswang" (1973), "Kampanerang Kuba" (1974), "Biktima" (1974), "Vivian Volta" (1974),"Karugtong ng Kahapon" (1975).

Pero mas nagtagal ang tambalan ni Ate Vi with Boyet at nakagawa sila ng mahigit dalawampung pelikula together (na marami ay award-winners) through several decades. Una silang nagkapareha in 1975 sa Celso Ad. Castillo movie tungkol sa magpinsang umibig sa isa't isa, "Tag-ulan sa Tag-araw". Si Boyet ang hunk du jour noon sa local cinema after his introduction in "Tinimbang Ka Ngunit Kulang". Pagkatapos noon ay gumawa sila sa Sampaguita Pictures ng "Masarap, Masakit ang Umibig" (1977) at "Nakawin Natin ang Bawat Sandali" (1978), both directed by Elwood Perez. Taong 1978 din nang magkasama sila, along with Nora Aunor, in one of the best local films of all time directed by Ishmael Bernal, "Ikaw ay Akin", for which Boyet won his first Urian best actor award. It was also in 1978 nang gumawa sila ng musical sa Lea Productions, ang "Disco Fever" directed by Al Quinn na hango sa popularidad ng "Saturday Night Fever" ni John Travolta. In 1979, gumawa sila ng dalawang pelikula sa Regal Films ni Mother Lily: "Magkaribal" kasama si Alma Moreno at "Pinay American Style" na kinunan on location sa New York City, both directed by Elwood Perez. Taong 1980 ay gumawa sila ng love triangle movie with Romeo Vasquez na ka-on talaga noon ni Ate Vi, ang "Gusto Kita, Mahal Ko Siya", directed by Maning Borlaza. Bumalik sila sa Sampaguita in 1981 nang buntis si Vilma kay Luis Manzano and did "Pakawalan Mo Ako", na nagpanalo kay Ate Vi ng kanyang second FAMAS best actress award.

Tatlong pelikula ang ginawa nila in 1982, una sa Regal Films ang pelikulang unang nagbigay kay Ate Vi ng grand slam, "Relasyon", directed by Ishmael Bernal. Naging entry naman sa Metro-Manila Filmfest that year ang "Haplos" ni Director Butch Perez at nagwagi si Boyet ng filmfest best actor award bilang lalaking umibig sa multo played by Rio Locsin. Pero ang biggest hit nila that year ay ang movie na ginawa nila sa Viva Films, "Sinasamba Kita", hango sa isang popular komiks novel. Ate Vi played an anti-heroine at kabituin nila rito sina Lorna Tolentino and Phillip Salvador. This was just remade last year sa TV with Sheryl Cruz reprising the Ate Vi role. Nang sumunod na taon, 1983, tatlong pelikula ang ginawa nila. Dinirek sila uli ni Bernal sa "Broken Marriage" that won for Ate Vi her second Urian best actress. Sa Viva Films ay ginawa naman nila ang "Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan", directed by Marilou Diaz Abaya, nagpanalo kay Eddie Garcia bilang pinagtaksilang husband ni Ate Vi ng FAMAS best actor award. Sa Viva rin nila ginawa ang biggest hit ni Ate Vi that year, "Paano Ba ang Mangarap", directed by Eddie Garcia based on a hit komiks novel that spawned the famous Ate Vi lines "Nasaan si Junjun?" (ang anak niyang itinago ng biyenan niyang si Armida Siguion Reyna.) Taong 1989 na sila uli nagkatambal sa Metro-Manila Filmfest entry na "Imortal", na humakot ng tropeo sa awards night as directed by Eddie Garcia. In 1991 naman, ginawa nila ang "Ipagpatawad Mo", directed by Laurice Guillen na tungkol sa pagkakaroon ng isang autistic child. Kapwa may napanalunang best actor at best actress award sina Vi at Boyet for their performance here. Sa Manila Filmfest in June of 1993, ginawa nila for OctoArts Films ang "Dahil Mahal Kita: The Dolzura Cortez Story", the first local film na tungkol sa AIDS. Muling nagpanalo ito ng maraming best actress awards for Ate Vi. Sa sumunod na taon, 1994, sa Regal Films naman sila gumawa ng movie, ang drama tungkol sa pagkakaroon ng kapatid na retardate (played by Aga Muhlach), ang "Nag-iisang Bituin", directed by Jose Javier Reyes. (Gustong-gusto namin ang theme song ng pelikukang ito.) Lumipas ang tatlong taon bago sila uli nagkasama sa "Hanggang Ngayon Ika'y Minamahal" in 1997 sa Viva Films, directed by Ike Jarlego, Jr. After that, inabot naman ng five years bago sila nagkatambal uli sa "Dekada 70" ng Star Cinema, which gave several best actress awards again kay Ate Vi. Huli silang nagkasama in 2004 sa "Mano Po 3: My Love" ng Regal, na humakot ng karangalan sa Metro-Manila Filmfest that year.

SHARON CUNETA AT GABBY CONCEPCION - Walang dudang ang Sharon-Gabby love team ang pinakapopular na tambalan sa Dekada 80. Unang nakilala si Sharon Cuneta bilang teen singer sa mga kantang "Mr. DJ" at "High School Life". In 1981, when she was 15 years old, kinuha siya ng Sining Silangan para ilunsad sa pelikulang "Dear Heart" ni Danny Zialcita. Hiniram mula sa Regal Films ang teen actor na si Gabby Concepcion, na that time ay ipinapareha kay Snooky Serna in movies like "Summer Love" and "Hello Young Lovers". Nang umentra si Sharon, nabura ang tambalan nila ni Snooky. "Dear Heart" became a big blockbuster. The following year, itinayo ni Vic del Rosario with Sharon's dad, Mayor Pablo Cuneta, ang Viva Films at ang first project nila ay ang reunion movie niya with Gabby, "P.S. I Love You", na naging hit uli. Dito nagsimula ang reign ni Sharon as Box Office Queen and she held this title up to 1993. Ang third movie nila ni Gabby together ay ang "My Only Love" (kung saan naka-love triangle nila si Jackielou Blanco) na nire-remake ngayon on TV sa GMA-7. Naging on sila in real life pero nagkahiwalay at naging ka-on ni Gabby si Janice de Belen. Sa sumunod niyang movies ay ipinareha si Sharon sa ibang aktor, like William Martinez and Rowell Santiago in "Friends in Love", "Cross My Heart" and "Forgive and Forget", but her movies with them were not as successful as the ones she did with Gabby. In 1984, pinagtambal uli sila ni Gabby sa "Dapat Ka Bang Mahalin" at again, naging big hit iyon sa takilya. Nagkabalikan sila sa pelikulang ito, had a secret marriage at si Sharon ay nagdalantao at the age of 18. They had a grand wedding that was filmed at ito'y ipinalabas as an added attraction kasama ang best scenes from their past movies at pinamagatang "The Best of Sharon and Gabby". Bago natapos ang taon ay ginawa nila ang "Sa Hirap at Ginhawa", na tungkol sa travails of a newly married couple. The following year, si Sharon won the FAMAS best actress award for "Dapat Ka Bang Mahalin" ka-tie si Nora Aunor for "Bulaklak sa City Jail" (na-boo siya) at nanalo rin siyang best actress sa Film Academy or FAP Awards for "Sa Hirap at Ginhawa". Pinatunayan naman ni Sharon ang kanyang pagiging reyna ng takilya that same year nang magkasabay ang showing ng kanyang "Bukas Luluhod ang mga Tala" at ang much acclaimed "Sister Stella L" ni Ate Vi, trouncing Ate Vi's movie at the box office. Pagkapanganak niya kay KC in April, 1985, ginawa naman nila ni Gabby ang komiks novel na "Pati Ba Pintig ng Puso" where Sharon played Jenna, a maid na pinakasalan ng amo niyang si Aldrin (Gabby.) This was just remade sa GMA-7 afternoon dramarama with Yasmien Kurdi and JC De Vera in the lead roles at naging toprater ito. After this movie ay nagkahiwalay na sila ni Gabby at si Sharon ay ipinareha sa ibang mga aktor, tulad ni Christopher de Leon sa "Kailan Sasabihing Mahal Kita" at "Bituing Walang Ningning", then kay Tonton Gutierrez in "Nakagapos na Puso" at "Kahit Wala Ka Na". Nagkasama sila uli ni Gabby kahit hiwalay na sila in 1990 sa "Bakit Ikaw Pa Rin", directed by Laurice Guillen and for us, one of their best films together. Sinundan ito ng komiks novel na "Una Kang Naging Akin"( 1991, ka-love triangle nila si Dawn Zulueta), at "Tayong Dalawa" (1992, again a good movie directed by Laurice Guillen.) Ito na ang huli nilang movie together. In 1994, nasangkot si Gabby sa Manila Filmfest scam masterminded by his manager, Lolit Solis, and uncovered by Mayor Alfredo Lim. He went to the U.S. and has yet to comeback. Naniniwala kaming kung gagawa uli ng pelikula sina Sharon at Gabby, tiyak na marami pa ring magiging interesadong mapanood ito to make it a box office hit.

MARICEL SORIANO AT WILLIAM MARTINEZ - Maricel started as a child star when she was 6 years sa Sampaguita Pictures' flick na "My Heart Belongs to Daddy". Lumaki siya sa TV sa sitcom na "John en Marsha". Noong 15 years old na siya, kinuha siya ni Mother Lily as part ng Regal Babies at inilunsad sa "Underage" with Snooky Serna and Dina Bonnevie. Naging kwela ang pagko-comedy ni Maricel at ipinareha rin siya kay William Martinez sa "Pabling". Nag-hit ito kaya sinundan ng "Galawgaw" at iba pang projects. Karamihan ng ginagawa nila ay comedies. Nagsimula ito sa "Pabling" na dinirek ni Ishmael Bernal in 1981, followed by "Oh My Mama" at "Galawgaw" (1982). Gumawa si Maricel ng movie sa labas ng Regal, ito ay ang "My Heart Belongs to Daddy" noong early 1982 which is produced by Dolphy. Ipinareha sa kanya si Ronnie Ricketts at naging magkasintahan sila sa totoong buhay. Nang ipareha uli ng Regal si Maricel kay William ay sa isang seryosong romansa once again directed by Bernal, "Hindi Kita Malimot" (1982), set in a rural community at kumpleto with songs na gaya ng movies nina Carmen at Rogelio noong araw. Sinundan ito ng move movies sa Regal gaya ng "Schoolgirls", "Mother Dear" (1982), "Santa Claus is Coming To Town" (1982). In 1983, ipinareha si Maria sa the late Fernando Poe, Jr. in "Batang Quiapo", pero ibinalik din uli agad ang tambalan nila ni William sa "To Mama With Love" and "Daddy Knows Best" (both 1983). Naging big hit ang movie na ito with Dolphy kaya nasundan ito ng "Daddy's Little Darlings" in 1984. Sa taong din iyon ginawa ni Maricel ang kanyang big big hit where she played an ambitious anti-heroine, "Kaya Kong Abutin ang Langit", para sa kumpanya ni Via Hoffmann, sister ni Joey Marquez. Si William naman ay gumawa ng "Bagets" sa Viva at naging superhit din iyon. Bago natapos ang taon ay pinagsama uli sila ng Regal sa isang comedy, "Anak ni Waray vs. Anak ni Biday", at sa isang serious drama directed by Mel Chionglo, "Teenage Marriage". 1985 ay gumawa si Maricel ng isa pang seryosong drama sa Regal na tungkol naman sa abortion, "Hinugot sa Langit", directed by Ishmael Bernal. Muli silang pinagtambal ni William sa trilogy na "Mga Kuwento ni Lola Basyang" at comedy fantasy na "Inday Bote" that same year, at doon din sa "Inday Bote" officially ipinakilala si Richard Gomez bilang ka-love triange nila. Naging hit ang "Inday Bote" kaya 1986 ay ginawa ito ng sequel na "Inday Inday sa Balitaw". That same year, ginawa rin nila ang "When I Fall in Love" na isang star-studded romantic movie directed by the late Joey Gosiengfiao. After this, iba na ang mga nakapareha ni Maricel, si Gabby Concecpion sa "Pinulot Ka Lang sa Lupa" (1987), Randy Santiago in "Taray at Teroy" (1988), at sa trilogy na "Maria Went to Town", si Maria ay ipinareha kina Martin Nievera, Gary Valenciano at kay William rin in one episode. 1988 din nang ipareha si Maricel kay Edu Manzano sa "Babaeng Hampaslupa" at talagang na-in love siya rito. She defied everyone, including her Mommy Linda and manager Manny Valera, at nagpakasal kay Edu. Sadly, hindi nagtagal ang pagsasama nila. Si William naman, by this time, ay nagpakasal din kay Yayo Aguila na nakasama niya sa "Bagets" at matagal silang nanirahan sa States. Nagkatambal lang sila uli kasama ang Jolina Magdangal-Marvin Agustin love team sa Star Cinema nang gawin nila ang "Kung Ayaw Mo, Huwag Mo". Mas nag-survive nga ang career ni Maricel. Nagklik maging ang tambalan nila ni Cesar Montano sa sitcoms na "Kung Kaya ni Mister, Kaya ni Misis" at "Bida si Mister, Bida si Misis". She also did acclaimed hits on her own gaya ng "Ikaw Pa Lang ang Minahal, "Separada", "Dahas", "Nasaan ang Puso", at ang hit niya this year with Aga Muhlach na "A Love Story".

THROUGH THE YEARS ay nagkaroon pa ng ibang love teams na sumikat at tinangkilik din naman ng publiko no matter how briefly, gaya nina Nenita Vidal-Manding Claro (teen love team ng LVN Pictures in the 50's na inilunsad sa "Puppy Love" in 1956, directed by Manuel Silos), Rosemarie Sonora-Pepito Rodriguez (later ay pinalitan ni Ricky Belmonte), Sheryl Cruz-Romnick Sarmenta, Judy Ann Santos-Wowie de Guzman love team (na later on ay naging Juday-Piolo Pascual, and now Juday-Ryan Agoncillo), Jolina-Marvin, Angelu de Leon-Bobby Andrews (nakilala sa TV in "TGIS" at sa movies in "TGIS, The Movie", "Wala Na Bang Pag-ibig", "Laging Naroon Ka", etc.), Jennylyn Mercado-Mark Herras (na nakilala sa Starstruck) at ang current young love team nina John Lloyd Cruz-Bea Alonzo who starred in hit TV shows like "Kay Tagal Kang Hinintay", "It Might Be You", "Maging Sino Ka Man" and in films like "My First Romance", "Now That I Have You", "Close to You", at ang "One More Chance". Mind you, most of these pairs ay hindi naman nagkatuluyan sa tunay na buhay, with both parties ending up with somebody else.

Pero sa kasaysayan ng Philippine movies, marami rin iba pang parehang nagiging tunay na magkapareha on and off camera. Isa na rito ang tambalang Pancho Magalona at Tita Duran. Pancho comes from a well off political family at si Tita naman ay dating child star. Ang Sampaguita Pictures ang siyang nagtambal sa kanilang dalawa. Ilan sa mga pelikulang ginawa nila ay ang "Bulaklak na Walang Pangalan" (1948), "Huwag Ka nang Magtampo" (1949), "Umaga Na, Neneng" (1950), "Kasintahan sa Pangarap" (1951), "Buhay Pilipino" (1952), "Sa Isang Sulyap Mo, Tita" (1952), "Sa Isang Halik Mo, Pancho" (1953), "Vodavil" (1953, with Katy de la Cruz), "Maria Went to Town" (1954, directed by Eddie Romero) and "Bella Filipina" (1956, directed by Gerry de Leon.) Kapwa sila mahusay magsayaw kaya laging may musical dance number introducing the latest dance craze sa mga pelikula nila. Naging matibay ang pagsasama nila hanggang kapwa sila bawian ng buhay, una si Tita, followed by Pancho na malaki ang agwat ng gulang sa kanya. Sila ang mga magulang ni Francis Magalona.

Heto ang ilan pang mga artistang ang pagtatambal sa puting tabing ay humantong sa kanilang pagiging tunay na mag-asawa: Alicia Vergel at Cesar Ramirez - Nagkapareha sila sa "Bernardo Carpio" (1952), "Ukala" (1953, based on a komiks novel at mga katutubong Indian ang roles nila), "Lupang Kayumanggi" (1955, a war drama directed by Armando Garces), at "Kahariang Bato" (1956). Silang ang parents nina Ace at Beverly Vergel.

Jose Padilla Jr. at Arsenia Francisco - Ang mga palayaw nila for their fans ay Pempe at Senyang. Ilan sa pelikulang ginawa nila ay "Sa Hirap at Ginhawa" (1953), "Ginto sa Lusak" 1954), "Dakilang Hudas" (1955), "Pangako ng Puso" (1955, directed by Artemio Marquez.) Marami ang nagtuturing kay Senyang na martir dahil si Pempe ay isang kilalang palikero.

Efren Reyes at Virginia Montes - Nakilala si Efren as the top action star of Premiere Productions in 50's at later ay naging sikat siyang direktor ni FPJ. Ang pinakasikat na movie na ginawa nila Virgie (ang mga anak nila ay sina Cristina Reyes, nag-artista noong mid-70s, at Efren Reyes Jr.) ay ang "Bandido" (1954).

Zaldy Zshornack at Shirley Gorospe - Si Zaldy ay matinee idol na kilala na sa "Lo'waist Gang" at si Shirley naman ay model-beauty queen from the U.S. nang pagtambalin sila sa "Sweethearts" (1958). Nag-click ito sa tao kaya muli silang pinagtambal sa "Shirley My Darling" (1958) na dinirek ng national artist na si Gerry de leon. Nagkagustuhan sila sa tunay na buhay at ikinasal noong 1959. Naging matagumpay ang pagsasama nila hanggang bawian si Zaldy ng hininga two years ago.

Lolita Rodriguez at Eddie Arenas - Si Lolita ang itinuturing na foremost drama actress ng Sampaguita in the 50's. Si Eddie Arenas ay unang itinambal kina Susan Roces ("Kulang sa Pito") at Amalia Fuentes ("Lola Sinderella") noong nagsisimula pa lamang ito. Nagkasama sila sa mga pelikulang "Busabos" (1955), "Kundiman ng Puso" (1956), "Gilda" (1956, ang original ng "Pasan Ko ang Daigdig", for which Lolita won her first FAMAS best actress award), "Cicatriz" (1957, based on a popular radio serial) at "Mapait na Lihim" (1958). Ikinasal sila at nagkaroon ng apat na anak, pero nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama nila and Lolita migrated to the U.S. where she is now married to an American husband.

Martin Nievera at Pops Fernandez - Unang naging magka-love team sa TV in "Penthouse Live" and they did several successful concerts together.Naging mag-asawa nga sila, pero nang gumawa ng mga pelikula nang magkapareha ay hindi tinangkilik ng tao. Alam na ninyo kung ano ang nangyari sa pagsasama nilang hanggang ngayon ay blow hot blow cold sa pagiging away-bati. As of now, magkaaway sila.

Ang love teams ay bahagi na ng kasaysayan ng showbusiness kaya hindi kami magtataka kung sa mga susunod na taon ay mga bagong love team na naman ang ipakikilala sa madla. May kaiaibang atraksiyon kasi ang isang pareha sa puting-tabing na may posibilidad na maging totoo ang relasyon sa tunay na buhay, lalo na't maganda ang chemistry nila at kinikilig ang fans tuwing nakikita silang magkasama. Kaya wala kaming alinlangan na love teams are here to stay.

POST