<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Sep 23, 2010

Showbiz Couples who Broke Up: Saan Sila Nagkamali

ANG PUNDASYON NG lipunan ay ang pagkakaroon ng matitibay na pamilya. Pero bago magkaroon ng good families, kailangan muna natin ng good marriages. Marami sa problema ng mundo ngayon ay gawa ng mga batang lumaki na puno ng hang-ups and insecurities dahil wala silang tamang guidance at galing sa dysfunctional families na may irresponsible parents. Ayon sa statistics sa iba’t ibang studies, most criminals and offenders come from broken homes.

Ang mundo ng showbiz ay puno ng couples whose marriages ended in separation. Nagpapakasal sila sa akalang it will be heaven on earth. Kahit bigyan sila ng babalang nagkakamali sila, wala silang pakialam. Basta ang mahalaga, they’re in love. Everything else will just come automatically.

So nag-asawa nga sila pero pagkaraan lang ng ilang buwan, puro na sila reklamo. Ang marriage na akala nila’y magiging satisfying ay naging frustrating pala. And so, they break up and seek annulment, tulad ng nangyari kina Kristine Hermosa at Diether Ocampo.

Sa hiwalay na panayam ni Boy Abunda, umamin silang nagpakasal nga sila at ngayon ay hiwalay na. Noong Disyembre lang nabalitang ikinasal sila ni Mayor Tony Esquivel of Jaen, Nueva Ecija, pero may nagsasabing they actually tied the knot in July, 2004 yet. ABS-CBN tried to cash in on this at binigyan sila ng teleserye, “Till Death Do Us Part”. Hindi ito nag-rate, indikasyon na hindi gusto ng publiko ang tambalang Diether-Kristine.

Sa interview, diretso ang mga tanong ni Boy but Diether was visibly squirming in his seat and gave answers na barely coherent. In summary, ito ang pahayag niya: “Mahirap magbigay ng mga detalye. Hindi namin alam kung paano haharapin ang magugulong sitwasyon. Pero hindi kami nagsisisi sa nangyari. Ang mga panahong ‘yon, walang kasinsarap. Kasama mo ang taong mahal mo. Tumitigil ang oras, tumitigil ang ikot ng mundo. Pero marami kaming aspetong hindi napaghandaan at pinag-isipan kasi ang pinagtutuunan lang naming ng pansin ang sarili namin, ‘yung sarap ng feeling na marami kaming gustong ibahagi sa isa’t isa. At that time, akala namin, yun ang tama. Maselan ang sitwasyon namin ngayon kasi nasa korte na ang kaso. Sana maintindihan n’yo na lang kami. Sana unawain n’yo na lang hindi kami nagdadamot o may itinatago dahil wala kaming masamang intensiyon. Marami kaming pinagdaanan. Hindi ko alam kung ano ang kalalabasan nito. Marami kaming bagay na hindi pinagkasunduan, pero walang nagbago sa pagmamahal ko mula noong araw na ‘yon. Ganoon pa rin ang nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko malalagyan ng label ang pagmamahal ko sa kanya. Basta mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.”

Nagsimula ang romansa nila sa set ng teleseryeng “Sana’y Wala Nang Wakas”. “Ilang beses inoffer sa’kin yon, tinanggihan ko kasi naiilang ako sa tambalan nila ni Jericho. Hindi naming ginustong mahulog ang loob namin sa isa’t isa, pero hindi mo pala talaga puedeng diktahan ang puso. Sinabi namin, hindi puedeng maging tayo dahil may mga taong maaapektuhan, pero totoo na ang mga ginagawa naming emosyon sa eksena. Willing akong balikan si Kristine.”

Heto naman more or less ang pahayag ni Kristine: “Marami kaming naging maling simula. Ngayon, alam ko na, dapat matuto tayong makinig sa mga taong mas nakakaalam. Nagpakasal kami. May seremonya. Pero hindi kami nagsama bilang mag-asawa. (Gusto yata ni Kristine papaniwalaan tayo na virgin pa rin siya up to now.) Mahal ko siya, tinanggap ko ang alok niyang kasal. That time, ang dami kong napi-feel na insecurities. Magulo sa parte niya, sa parte ko. Kasi ang daming mali, hindi kami nakapagsimula nang maayos. Ngayon, gusto kong itama ang lahat, na ipagmalaki namin ang isa’t isa, asawa ko ‘yan. Pero hindi ko alam kung saan ako lulugar sa buhay niya, kung saan ako nakapuwesto. Ayoko nang balikan at idetalye ang mga nangyari. Basta nagkaroon kami ng misunderstandings. Hindi ako selosa. Ang ibang mga tao, huwag nila akong basta i-judge. Nagmamahal ako, ibinibigay ko ang lahat.”

Sa tanong na kayo pa ba, ang sagot niya ay: “Marami kaming problema na kailangang ayusin. Mahal ko pa rin siya. Walang nagbabago sa nararamdaman ko for him. Masyado kaming naging totoo sa isa’t isa, nakalimutan namin ang ibang bagay. Dapat, huwag magpabulay sa mga nararamdaman. Huwag magmadali. Gusto ko lang sabihin sa kanya, kung anuman ang pinagdaraanan natin, narito lang ako. Patience. Sana pareho tayo ng goals, nang maayos na ito and in the future, magkikita pa rin tayo at ipagpapatuloy ang mga pangarap natin together. Sana malampasan namin ito at maging masaya ang lahat para sa amin.”

At this point, ang masasabi natin sa kanila: You brought that upon yourselves. Magdusa kayo.

At least, inaamin nilang nagkamali sila. Kasi nagsimula sila nang magulo. Pero nakakainis ‘yung sinasabi nilang hindi nila pinagsisisihan ang ginawa nila. That means, hindi sila talagang natuto sa mga naranasan nila, gaya rin ng iba pang mga artista.

Sa totoo lang, failed marriages were prevalent in showbiz not just now but even then. Showbiz couples in the 50’s na ang marriages ay natapos din sa separation include Jose Padilla Jr. and Arsenia Francisco, Rita Gomez and Ric Rodrigo, Lolita Rodriguez and Eddie Arenas, Luz Valdez and Robert Campos, Amalia Fuentes and Romeo Vasquez, Lilia Dizon and Gil de Leon, Alicia Vergel and Cesar Ramirez, Leopolo Salcedo and several wives. May naghiwalay at nagkabalikan, tulad nina Gloria Romero at Juancho Gutierrez, at Rosemarie Gil at Eddie Mesa. Pero walang dudang ang paghihiwalay nila ay nagkaroon ng negatibong epekto sa kanilang mga anak na ang sariling relationships ay pawing naging magulo rin.

Sa present generation, maraming showbiz couples na ang marriages have already been annulled. Si Dina Bonnevie ay beterana ng hindi lang isa but two annulments, from Vic Sotto and Dick Pengson. Mali rin ang simula nila ni Vic. Nabuntis siya nito tapos nilang gawin ang “Age Doesn’t Matter” kaya sila nagpakasal, then Vic had other liaisons with Coney Reyes and Angela Luz. Pero hindi niya pinakasalan ang mga ito but just sired a kid with each of them. Ang iba pang na na-annul ang kasal ay sina:

Nora Aunor at Christopher de Leon – Nagkaroon sila ng kakaibang beach wedding and had one son, Ian, na hiwalay na rin sa naging misis nitong si Izza Vicente. Hindi nagtagal ang pagsasama nina Guy at Boyet. Si Boyet has since remarried to Sandy Andolong at may lima silang anak.

Vilma Santos at Edu Manzano – Sa U.S. sila ikinasal nang gawin nila roon ang “Romansa”. Nagkaroon sila ng isang anak, si Luis, born in 1981. By 1982, hiwalay na sila. Vilma has remarried, to Sen. Ralph Recto, at may isang son din sila, Ryan Christian. Edu also remarried, kay Maricel Soriano,na hindi rin nagtagal. May dalawa siyang anak sa isang non-showbiz girl, Rina Samson.

Sharon Cuneta at Gabby Concepcion – Pareho pa silang teenager nang pakasal sila sa isang civil wedding in 1984. Buntis na si Sharon kay KC nang magkaroon sila ng church wedding. Sharon has since remarried to Sen. Francisco Pangilinan and they have two daughters, Frankie and Miel. It turned out hindi valid ang kasal nila ni Gabby kasi nagkaroon na ito ng marriage of convenience with an American girl sa U.S. Si Gabby ay nagpakasal din kay Jenny Syquia and they have one daughter, Chloe, pero nagwakas din ito sa separation. He has since gotten married again in the U.S. to a former fan of his. May anak din si Gabby kay Grace Ibuna, now a teenager.

Pops Fernandez at Martin Nievera – Sinundan ng fans nila ang kanilang romansa bilang co-hosts ng “Penthouse Live”. Buntis na si Pops nang ikinasal sila. 12 years din silang nagsama before their marriage crumbled. They have two sons, Robin and Ram.

Rio Locsin at Al Tantay – Nagtanan sila nang gawin nila ang movie na “Waikiki” at ikinasal sila sa U.S. Nagkaroon sila ng two daughters, Paula Bianca and Costa. Both have remarried. Rio sa former cager-turned-preacher na si Padim Israel. They have a son. Si Al naman ay may bagong misis na non-showbiz girl after a brief affair with Pinky Suarez with whom he also has a son.

Princess Punzalan at Willie Revillame – Maraming nagtaka kay Princess kasi alam ng lahat na marami nang sabit si Willie. Hindi sila nagkaanak. Both have since remarried. Princess to an American and Willie to Liz Almoro.


Janice de Belen at John Estrada – May love child na si Janice kay Aga Muhlach nang magkakilala sila. 18 lang si John nang mabuntis si Janice who is three years older. Ikinasal sila at nagkaroon ng three daughters and one son. Nakilala ni John si Vanessa del Bianco sa “MTB” at nagkamabutihan sila. Natapos ang marriage nila ni Janice, who now also has a non-showbiz boyfriend.

Alma Moreno at Joey Marquez – Si Alma ay nagkaanak muna kina Rudy Fernandez at Dolphy bago siya pinakasalan ni Joey, na marami na ring anak sa ibang babae. They had four kids. Si Joey ay nakisama kay Kris Aquino at nagkaroon sila ng maiskandalong paghihiwalay. Si Alma naman ngayon ay nakikisama kay Gerald Madrid na hiwalay rin sa misis nito.

Aiko Melendez at Jomari Yllana – Buntis na si Aiko nang pakasal sila. After two years, naghiwalay. Si Jomari ay na-link kay Ara Mina at ngayon ay kay Miss Denmark, Thea Froejker. Si Aiko naman ay may boyfriend na singer, si Jonard Yanzon.

Geneva Cruz at Paco Arespacochaga – Nagkakilala sila sa set ng “Okay si Ma’am” sa Viva. Nabuntis si Geneva at 18 at nagpakasal sila sa U.S. Hindi nagtagal ang pagsasama nila after their son Heaven was born. Si Paco ay nagpakasal na sa isang non-showbiz girl sa U.S. Si Geneva naman ay nakikisama kay KC Montero.

Jackie Forster at Benjie Paras – 15 years old lang si Jackie nang pakasal sila, with Benjie about 10 years older. They had two sons.

Ai Ai de las Alas at Miguel Vera – Si Ai Ai ay naanakan na ng isang theatre actor bago sila nagkakilala ni Miguel. Ikinasal sila and had two kids, but it turned out si Miguel pala ay kasal na rin sa isang bank teller at may anak na rin dito, kaya madaling na-annul ang kasal nila.


Ang couples naman who are now working for their annulment include: Gina Alajar and Michael de Mesa – 16 years old lang si Gina nang mabuntis ni Michael habang gumagawa sila ng movie sa Sampaguita Pictures. Away-bati ang relasyon nila. There was a time na nagkahiwalay sila at sinamantala ito para ire-launch si Gina sa ‘Diborsyada’, pero nagkabalikan sila. Mga binata na ang mga anak nila nang finally ay maghiwalay sila, dahil si Michael daw ay nakatagpo ng bagong romansa sa isang dancer.

Amy Perez at Brix Ferraris – May isa silang anak na lalaki. Hindi rin nagtagal ang pagsasama nila. Si Amy ang nag-file ng annulment pero the court did not grant it. Si Brix ay nasa ibang bansa ngayon at doon na kumakanta.

Bianca Lapuz at Vhong Navarro – Kapa-file pa lang ni Vhong ng annulment ng marriage nila. They have one son. Si Vhong ay na-link kay Diana Zubiri na kaya raw nakipagkalas sa kanya ay dahil nga legally married pa rin siya kay Bianca.

Lotlot de Leon and Ramon Christopher – Girlfriend ni Monching si Tina Paner nang ipareha siya kay Lotlot at nagkagustuhan sila. 19 lang si Lotlot nang mabuntis at ikasal sila. Isinapelikula pa ito in 1989 sa “Here Comes the Bride” ng Regal. Inabot din ng 14 years bago sila naghiwalay.
Arnell Ignacio at Frannie – Nagsama sila kahit alam ni Frannie na gay si Arnell at nagkaroon sila ng one daughter. It’s ironic na five months after sila legally ay magpakasal, doon sila nagkahiwalay dahil kinukuwestiyon ni Arnell kung saan napunta ang pera sa wig business nila na si Frannie ang namamahala.

Ano ba kadalasan ang dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang isang marriage? Kadalasan, it’s the fact na hindi pa sila talaga handa sa buhay may asawa. May mga ikinasal kasi buntis na ang babae. May mga batang-bata pa ikinasal kaya hindi pa talaga ready sa commitment and responsibility ng marriage.

Ano ang puedeng gawin to prevent the failure of a marriage? Una, bago pakasal, examine your relationship closely. You want to have the best marriage possible , pero meron ba kayong sufficient foundation for marriage? Meron ba kayong sapat na common interests to make a good marriage? Alamin kung anong areas ang maaaring maging hadlang sa inyo from having a mutually satisfying marriage? Napag-usapan ninyo bang mabuti how to handle finances, in-laws, rearing of children, respective careers? Dapat ay malinaw ang expectations.

Sa kultura natin ngayon, ang emphasis a romantic love lamang. It makes us believe that love is blind, love conquers all. Sa bandang una, only emotion rules and the mere sight of your loved one gives you a great high, sends you into fits of ecstasy. Basta kasama mo siya, lahat ay perfect. Kahit makita mo ang mga pagkukulang niya, hindi mo magawang maging objective and you just ignore all his character defects. Kahit warningan ka ng iyong parents and friends, binabalewala mo sila gayong sila ang voice of reason or maybe even the voice of God na nagbibigay sa iyo ng babala. You just refuse to read the signs. Kahit marami siyang anak sa labas, basta bilib kang he’d be faithful to you. Kinukumbinsi mo na lang ang sarili mo na magbabago siya kapag nagsasama na kayo and will change for the better. You make all sorts of rationalizations. Basta ang mahalaga, you’re in love!

Sa simula, madalas na ang basis lang ng isang relationship ay physical attraction. Ang personality, talent at virtue ay second rate qualities kung ikukumpara sa physical beauty. Of course, masarap namang makapag-asawa ng hunk or a beauty queen, pero ang higit na mahalagang bagay ay alam mong matatanggap mo pa rin ang partner for the next 40 or 50 years after beauty has faded and one has become old and weak. Dahil when we speak of a beautiful person, we refer to the totality of that person, hindi lang ‘yung physical looks niya.

Sa panahon din ngayon, traditional values have been eroded. Mass media has created the belief that love equals sex, na okay lang ang premarital sex in this modern age na virginity has become old fashioned. Dahil sa mga konseptong tulad ng women’s liberation, sinasabing if men can sleep around, dapat ay ginagawa rin ito ng mga babae. Pero ayon sa studies on sexual behavior, sexual promiscuity before marriage has a direct connection later on with extra-marital relationships.

The truth is hindi naman synonymous ang love and sex. Ang ibig sabihin ng sex without love ay gusto mo lang gamitin ang sexual partner mo for self gratification na parang isa lang kasangkapan. Nagparaos ka lang. Hindi makakailang sexual urges can be so strong and difficult to control. Dito pumapasok ang ating level of spirituality para tulungan tayo dahil ang Diyos ang nagtuturo sa atin self-control and being responsible. Kung sex lang ang hanap ninyo sa isang relationship, then you surely have a cheap image or regard of sex.

Sex is a God-given instinct. Pero ibinigay ng Diyos sa tao ang sexual desires not to misuse it but for the procreation of the human race within the framework of marriage and the home. May nagsasabing okay lang ang sex with anyone, anywhere-“as long as there’s mutual consent and nobody gets hurt.” Kung nasasarapan ka and it feels good while you are doing it, how can it be bad? Pero sinasabi sa Bible that sex is a beautiful relationship that is the deepest expression of love in the lives of a married couple. Sex is God-given, but as with all the gifts of God, it is the use or misuse of the gift that determines whether it is good, satisfying and rewarding- or detrimental, devastating, and makes one feel dirty and bothered by one’s conscience. Free will or control is what God gave us to differentiate us from animals. We can choose to yield or not to temptation.

Kung nagmadali kayo sa pag-aasawa dahil sa inyong lustful desires, then hindi magtatagal at reason will come in at magkakaroon kayo ng reality check. Babalik na sa inyo ang inyong rational faculties pagkatapos ng araw-araw ninyong pagtatalik sa loob ng ilang buwan. If love is blind, then marriage is a real eye-opener. Nagsasama na kayo as husband and wife at mas nakilala na ninyo pati weird na ugali ng bawat isa. Tapos na ang honeymoon. Natuklasan na ninyong you have contradicting value systems, goals and interests. Romantic love mellows, or worse, it gets stale. The relationship suffers at ang dating matamis na pag-ibig ay nagging maasim, and the couple gets alienated from another. Magkakaroon ng tension, they drift apart and forget that marriage is a lifetime commitment. Dati, they were so sure na sobrang mahal nila ang isa’t isa. Pero ngayon, nagdududa ka na kung love ba talaga ang naramdaman ninyo and worse, you feel: We don’t love each other anymore. Importante kung ano ang gagawin ninyo sa puntong ito: do you give up and split, or you try to save the relationship and grow closer to each other?

Isa pang mahalagang sangkap in any relationship ay ang Panginoong Diyos. Madalas, lahat ay kumbidado sa kasal, pero hindi ang Diyos. When God calls a couple to get married and they respond by accepting Him into their lives, He makes a covenant with them. God then becomes faithfully present with them, dadamayan sila sa kanilang highs and lows, joys and sorrows, maging sa mga sandaling hindi aware ang couple sa presence ni Lord. Ang marriage ay maituturing nga na isa ring Holy Trinity: ikaw, ang partner mo, at si Lord. Hindi magkakaroon ng isang matibay na foundation ang isang marriage kung hindi kasama si Lord doon dahil as we get to know God better and we seek His help, He will truly help us in every area of our life.

Kaya kayong couples who marry in a hurry and repent at leisure, ang payo naming ay kumuha muna kayo ng isang magaling na marriage preparation program before you take the plunge. Makakatulong ito sa inyo so you can foresee all possible areas of friction na puedeng pagsimulan ng inyong conflict kapag mag-asawa na kayo. Try calling Marriage Preparation Foundation, 426-1271. They can help you make a better start as a couple.

POST