<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Sep 28, 2010

Grazilda Week 3 Highlights

DAY 1

• Tutulungan ni Grazilda si Eric na makalabas ng kulungan.

• Babasbasan ni Fairy Godmother ang kwintas ni Grazilda. Magkakaroon ito ng magic powers.

• Ililibre ni Eric si Grazilda bilang pasasalamat nito sa kanya. Tuwang-tuwa naman si Grazilda.

• Muling magkikita sina Cindy at Grazilda. Sasaktan ni Cindy si Grazilda.

• Hahabulin ni Grazilda si Fernando. Tense na tense si Cindy.

• Ilalayo ni Cindy si Fernando. Hindi tuloy maaabutan ni Grazilda si Fernando!

• Mata-touched si Grazilda kay Eric dahil tinulungan niya ito.

• Magkikita sina Grazilda at Matilda dahil kay Fairy Godmother.

Grazilda Week 2 Highlights


DAY 2

• Magmamakaawa sina Matilda kay Cinderella. Makikiusap sila na pabalikin na si Grazilda sa Fantasya.

• Hahalikan ni Cindy si Eric.

• Makikita na ni Fernando si Grazilda.

• Hindi pa rin matutunton ni Fernando si Grazilda.

• Masayang ibabalita ni Eric kay Grazilda na nakita na niya ang babae sa panaginip niya.

• Akmang hahalikan ulit ni Eric si Grazilda. Galit na galit si Grazilda.


DAY 3

• Maaawa si Fairy GodMother kay Matilda. Pagbibigyan niya ang hiling nito na masulyapan si Grazilda mula sa real world.

• Magpapakita rin kay Grazilda si Fairy Godmother. Sasabihin ni Fairy God Mother na kapag may narinig na music si Grazilda ay tanda nay un na natagpuan na niya ang prince

charming niya. Babasbasan din ni Fairy Godmother ang kwintas ni Grazilda.

• Sasamahan ni Eric si Grazilda sa perya para hanapin ang prince charming. Magkakamoment ang dalawa.

• Malalaman ni Veronne na pinahahanap pa rin ni Fernando si Grazilda. Inis na inis sina Verrone at Cindy.

• Mapapahamak si Jikjik sa perya. Iilaw ang clock charm sa kwintas ni Grazilda. Pipitasin niya ito. Hihinto ang oras, pati na ang paggalaw ng mga tao. Mangha si Grazilda.

• Habang nakafreeze ang paligid ay kukunin ni Grazilda si Jikjik. Ilalayo sa panganib. Maililigtas ni Grazilda si Jikjik.

• Masusugatan ang kamay ni Grazilda sa pagligtas kay Jikjik. Gagamutin iyon ni Eric. Hihipan niya ang kamay ni Grazilda at hahalikan.


DAY 4

• Magbabago ng strategy si Verrone. Susubukan niyang maging mabuting asawa kay Fernando. Yun pala ay para lang mas mabantayan nito ang ginagawa ni Fernando.

• Oofferan ni Verrone ng mas malaking pera ang inutusan ni Fernando na maghanap kay Grazilda.

• Gaganti naman ng kagandahang-loob si Grazilda kay Eric. Aasikasuhin na niya ito at ipagluluto ng pagkain.

• Isang babaeng may gusto kay Eric – si Precious ang mang-aaway kay Grazilda. Bubugbugin nila si Grazilda.

• Galit na sisitahin ni Eric si Prescious.

• Magkakasakit si Grazilda dahil sa nangyari. Lalagnatin siya. Magdedliryo si Grazilda. Maaalala niya ang ina.

• Sa Fantasia ay kasalukuyang naghihirap sina Matilda. Pinagtatrabaho sila kasama ang anak niyang si Tonette.

• May tutubong panibagong charm sa kwintas ni Garzilda. Isang window. Gagamitin niya ito para makita ang ina. Makikita ni Grazilda na walang malay at duguan si Matilda.


DAY 5

• Susubukang tumawid ni Grazilda sa window para tulungan ang ina. Pero maglalaho ang window. Alalang-alala si Grazilda.

• Mapapaawa si Eric kay Grazilda kaya aasikasuhin niya ito. Magkakainisan na naman sina Grazilda at Eric. Akmang tatalikod si Grazilda pero ma-a-out of balance siya, masasalo siya ni Eric.

• Sasamahan ni Eric si Grazilda paghahanap kay Sir Andy. Tuturuan ni Eric si Grazilda pagtawid sa kalsada. Lalong magkakalapit ang dalawa sa paghahanap nila. Sa pagod ni Grazilda ay matutulog siya sa jeep. Mapapangiti si Eric habang pinagmamasdan si Grazilda.

• Matutunton ni Norman si Eric. Magrereport si Norman kay Verrone. Alam na raw niya kung nasaan si Grazilda. Ano kaya ang binabalak ni Verrone kay Grazilda?

• Pupuntahan ni Verrone ang address kung saan nakatira si lola Tisay. Pero wala na roon si Grazilda. Kasalukuyang nakarating na sina Grazilda at Jikjik, malapit sa factory.

• Isang snatcher ang hinahabol ng mga pulis. Hahablutin nito si Grazilda, tututukan ng baril at gagawing hostage.

• Siya namang dating ni Fernando. Makikita na niya si Grazilda pero nasa panganib ito!

Grazilda Week 2 Highlights

POST