<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

Sep 26, 2010

Grazilda Week 2 Highlights


Day 1

• Makikita ni Grazilda sina Matilda at Anatalia sa isang snow globe. Mag-aalala siya dahil nahihirapan na ang mga ito. Pero di niya alam paano siya babalik sa kanila.

• Pagtri-tripan nina Cindy at Tonette si Grazilda. Uutusan nila ito ng kung anu-ano.

• Uutakan ni Grazilda sina Cindy at Tonette. Magagalit tuloy si Veronne.

• Iuutos ni Veronne kay Celia na iligaw sina Grazilda at Jikjik.

• Makakakita ulit si Grazilda ng snow globe, aakalain niya na ito ang daan papuntang Fantasya kaya pupuntahan niya ito.

• Mahuhulog si Grazilda sa manhole.

• Makikita ni Eric si Grazilda at agad niya itong ililigtas.

• Magagalit si Grazilda kay Eric dahil nahalikan siya ni Eric.

• Matutuwa si Veronne dahil nailigaw niya sina Grazilda at Jik-jik.





Day 2

• Maiinis si Eric kay Grazilda dahil mapapamahak siya dahil dito.

• Sasabihin ni Cindy kay Fernando na naglayas at nagnakaw sina Grazilda at kaya nawala ito sa kanilang mansion.

• Tutulungan nina Grazilda at Jik-jik si Lola Tisay. Aampunin ni Lola Tisay sina Grazilda dahil sa kabutihan nito.

• Kokomprontahin si Veronne kay Fernando dahil pinagalitan nito si Cindy.

• Magkakagulatan sina Grazilda at Eric. Makikitira na kasi si Grazilda sa bahay ni Eric!



Day 3

• Mapipilitan sina Grazilda na tumira sa bahay ni Eric.

• Kokomprontahin ni Veronne si Fernando. Matagal na siyang may hinala na may ibang babae ito.

• Laging mag-aaway sina Grazilda at Eric. Hindi talaga magkasundo ang dalawa.

• Aawayin ni Precious si Grazilda dahil akala nito ay may gusto si Eric kay Grazilda.

• Wala pa ring matirhan sina Matilda at Anatalia. Palaboy-laboy pa rin sila sa snowstorm.

• Makukuryente si Grazilda. Maliligtas kaya siya ni Eric?



Day 4

• Mapapaniginapan ni Grazilda sina Matilda. Hirap na hirap na ang mga ito sa Fantasya.

• Ipamumukha ni Veronne kay Fernando ang ebidensya na may ibang babae nga si Fernando.

• Aaminin na ni Fernando kay Veronne na nagkaroon nga siya ng ibang pamilya.

• Gusto nang makabalik ni Grazilda sa bahay ni Fernando para malaman niya sa snow globe kung ano ang tunay na nangyayari kina Matilda.

• Mare-reveal na mayaman naman pala talaga si Eric. Itinakwil ng kanyang lolo ang kanyang ama dahil pinakasalan nito ang nanay niyang mahirap.

• Muntik nang mag-kiss sina Eric at Grazilda.

• Aarestuhin si Eric ng mga pulis.



Day 5

• Mag-aalala si Grazilda kay Eric.

• Hahanapin pa rin ni Fernando si Grazilda at si Jik-jik.

• Hindi matanggap ni Veronne na nagkaroon ng ibang pamilya si Fernando.

• Susugurin nina Grazilda si Stella dahil ito pala ang nagpakulong kay Eric.

• Tutulungan ni Grazilda si Eric na makalabas ng kulungan.

• Babasbasan ni Fairy Godmother ang kwintas ni Grazilda. Magkakaroon ito ng magic powers.

• Ililibre ni Eric si Grazilda bilang pasasalamat nito sa kanya. Tuwang-tuwa naman si Grazilda.

• Muling magkikita sina Cindy at Grazilda. Sasaktan ni Cindy si Grazilda.

• Hahabulin ni Grazilda si Fernando. Tense na tense si Cindy.

Related Links
Showbiz Portal: Grazilda Photos Set 1
Showbiz Portal: Grazilda Photos Set 2
Showbiz Portal: Glaiza plays lead

POST