<script async src="//pagead2.googlesyndication.com/pagead/js/adsbygoogle.js"></script> <!-- Showbiz Portal Bottom 1 300x250, created 10/15/10 --> <ins class="adsbygoogle" style="display:inline-block;width:300px;height:250px" data-ad-client="ca-pub-1272644781333770" data-ad-slot="2530175011"></ins> <script> (adsbygoogle = window.adsbygoogle || []).push({}); </script>
Mario Bautista, has been with the entertainment industry for more than 4 decades. He writes regular columns for People's Journal and Malaya.

May 10, 2019

MAINE MENDOZA IS THE VERY SPECIAL GUEST IN 'THE BOOBAY & TEKLA SHOW' THIS SUNDAY




MAINE MENDOZA will be the very special guest this Sunday night in the rollicking and top-rating comedy program "The Boobay and Tekla Show" (TBATS).

Sa paboritong segment na “Pranking in Tandem”, ipapamalas ni Maine ang kaniyang wacky side dahil susubukan niyang i-prank ang isang grupo ng artista hopefuls. Magtatagumpay kaya siya na lokohin ang kaniyang mga biktima?

Sa parody segment na “Till Death Do Us Part”, gagampanan ni Boobay ang isang bride-to-be na namatayan ng kasintahan (Tekla). Ipaglalaban nito ang kaniyang pagmamahal at papakasalan pa rin ang bangkay ng yumaong fiancĂ©.

Maiinit at nakakaintrigang mga tanong naman ang ibabato sa Kapuso heartthrobs na sina Jeric Gonzales at David Licauco sa segment na “Feeling Blank” gaya na lang ng: “Sino sa mga kaibigan mong Kapuso actors ang pumatol na sa ___?”

Sa “TBATS on the Street”, hahamunin naman nina Boobay at Tekla ang mga tao upang isalin sa wikang Filipino ang mga title ng kantang nasa wikang Ingles.

Mapapanood ang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, Mayo 12, 10:30 ng gabi, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA-7 Sunday Grande

POST