“Nag-enjoy ako doing the movie with them kasi we’re trying to show a different kind of mother in the story,” he says. “Pang-Mother’s Day presentation ito ng Regal and it’s not the usual story na puro mama-mama na babae lang ang nanay. Here, isa ako sa two mommies. Hindi lang naman babae ang pwedeng maging nanay, di ba? At saka, hindi porke ikaw ang nagsilang sa isang bata, nanay ka na. Maraming ibang klaseng nanay. Yung iba, nawala ang nanay, at ang naging nanay, yung kapatid, yung lola, yung kapitbahay, o yung ninang na pinag-iwanan. So there are really different kinds of mothers.”
He’s optimistic that “My Two Mommies” will be as successful as “Die Beautiful”. “Iba rin kasi ang naging impact ng ‘Die Beautiful’ and I feel na kapag ganoong ibang klase ang story ng isang movie, tumatatak talaga sa audience. And I can say ganun din itong ‘My Two Mommies’, na combination din ng comedy and drama. Patatawanin ka, pero may moment ding very touching na maluluha ka. Maganda ang material kaya I made sure na I give my 101 percent in every scene na ginagawa ko.”How is it working with Maricel Soriano? “It’s an honor kasi tagahanga niya talaga ako noon pa man. Doing a scene with her is really a pleasure kasi napakagaling niya. Mai-inspire ka as she brings out the best sa kaeksena niya.”
And how about Solenn Heussaff? “Actually, when they asked me kung sino ang gusto kong makasama rito sa movie, siya agad ang sinabi ko. Kasi I want to be her, yung fit and sexy na, beauty and brains pa. I also like her personality, very likeable. Gusto ko rin pati yung husband niya, si Nico. Char.”
Don’t miss “My Two Mommies” when it opens in theaters on May 9.

