“Tinulungan ko lang yung assistant kong si Gretchen para mabawi ang anak niya,” she says. “Kasi, iniwan lang niya sandali yung bata sa isang director, na huwag na nating pangalanan, tapos ayaw nang ibalik sa kanya. Pinapirma pala siya sa blank paper. Tapos, pinalalabas na nung director na siya ang tunay na ama ng bata, e hindi naman. So tinulungan ko lang yung tauhan kong makuha uli ang anak niya.”

“Iba na ang gusto ng millennials ngayon at iba na rin ang paraan ng pagbenta ng kanta, wala ng CD kundi digital na sa iTunes,” she says. “Hindi naman sanay ang fans namin sa ganyan. Hindi sila ganun ka-techie. Pero ang nakakatuwa sa fans namin, naririyan pa rin sila hanggang ngayon. Kapag may concerts kami like itong ‘Timeless OPM’, nandiyan pa rin sila to buy tickets and support us. At dahil diyan, we’ll forever be grateful sa kanila.”