Writers urge Michelle to join a beauty pageant as she’s a potential beauty queen. “Noon pa po maraming nagko-convince sa akin na sumali ako sa Bb. Pilipinas,” she says. “I’m not closing my doors pero siguro later na kasi I’m just turning 20 this month. I will wait for 2 or 3 more years muna, kapag mas mature na ako nang kaunti. I also want to undergo serious training para mas may chance ako to win. Kasi, as of now, wala pa akong confidence magsuot ng two piece swimsuit sa harap ng mga tao dahil maski sa beach, never ko pang na-try na magbikini. Medyo conservative kasi ang family namin. So dapat, masanay muna ako for me to gain more confidence.”
How about the Q&A portion? “Palagay ko, kaya ko naman. While I undergo training, aaralin ko rin lahat ng possible questions na puede nilang itanong. Hindi ako kinakabahan doon, e, kundi sa swimsuit lang talaga. Okay rin lang sa’king rumampa nang naka-long gown, pero yung swimsuit, takot ako maglakad na parang naka-bra at panty ka lang sa harap ng maraming tao.”
