“I was very vocal kay Toni sa pagkainggit ko sa kanya dahil kitang-kita yung kaligayahan sa kanya, e,” he says. “Iba yung glow, e. Talagang kumpletong-kumpleto na itong taong ito, di ba? Maganda ang career niya, meron siyang asawa, meron pa siyang anak, so buong-buo na ang pamilya niya. Who wouldn’t want that? But then, you have to learn patience and faith, na one day, alam ko, it will also happen to me. Makakahanap din ako ng right partner. But Toni’s advice to me is ‘Huwag ka nang maghanap, kasi darating din yan ng kusa’. Maging ang mom ko nga, siempre, tumatanda na rin siya, gusto na rin niyang magkaapo sa akin. Saradong Katoliko yun pero umabot sa point na sabi niya,
“Huwag ka nang mag-asawa, mag-anak ka na lang.”
So will he do just that since he’s being pressured? “Sana, hindi kasi kahit ganito ako, may pagka-conservative pa rin ako na gusto ko munang magkaroon ng asawa bago magkapamilya. In the meantime na wala pa, ine-enjoy ko muna ang buhay ko. Kasi, kung mangyayari yun, tiyak na mangyayari naman, e.”