So is she happy with her role in “Let the Love Begin” as Jeni, a radio DJ in love with her partner, Gardo Versoza, who turns out to be in love with Donita Rose instead? “Super happy ako and feeling blessed sa lahat ng nangyayari sa’kin ngayon,” she says. “Bonggang-bongga ang welcome sa akin ng GMA kaya naiyak talaga ko sa saya. At itong ‘Let the Love Begin’, naiiba kasi ngayon lang ipapakita ang mundo ng radio sa isang teleserye. Happy akong makapareha si Gardo kasi hindi ko naman siya nakasama noong araw kasi sa Seiko siya, di ba? ‘Machete’ siya. At si Gina Alajar, first time akong naidirek, napakagaling pala niya. Akala ko, magaling lang siyang aktres, pero hindi, marami siyang itinuro sa’kin na akala ko, hindi ko magagawa. Noong pinagagawa nga niya sa’kin, sabi ko, E, direk, hindi naman ako isang Gina Alajar, hindi ko kaya yan. Pero inexplain niya sa’kin, makakaya mo yan, at nagawa ko nga. Doon ko na-realize na marami pa pala akong hindi alam sa acting. Ngayon lang kasi ako nadirek ng isang director na kilala rin bilang award-winning actress.”
.jpg)
She’s glad her son Sancho de las Alas is part of the cast. “Nagulat nga ako kasi akala ko, sa ‘Magpakailanman’ kami unang pagsasamahin. Yun pala, isasama siya rito. Pero hindi kami magkaeksena kasi si Gladys Reyes na rival ko rito ang kasama niya. Support lang siya, pero sabi ko nga, gusto ko, matuto talaga siya from scratch kasi sa ganun din ako nagsimula. Para malaman niya kung gaano kahirap ang mag-artista. Kanina, 5 AM na umuwi ng bahay. Sabi ko, ano, akala mo madali, ha?”
Doesn’t she miss her colleagues at ABS-CBN? “Si Vice Ganda, nami-miss ko. Kasi yung last guesting ko sa ‘Showtime’, niyakap niya ko nang mahigpit na mahigpit at sabi sa’kin, ‘mahal kita dahil Ate kita’. Tapos ngayon, tinext niya ko to congratulate me. Na-apreciate ko yun.”